Team Cacutud,Team Guemasan,Team Lacmit,Team Mesulo Nagpasiklaban sa Mayor’s Cup Season 4 Semi-Finals

pagefbgdfb

Ngayong season ng Mayor’s Cup ay nagwagi ang sipag, tiyaga at galing dahil sa mga apat na team na pumasok sa semi-finals. Ang apat na team na ngayon ay pumasok sa semi-finals ay masasabing karapat-dapat dahil ibinigay nila ang kanilang makakaya sa bawat laban kahit na halos ng mga team ngayong season ay humusay. Nakaraang season, hindi man nakapasok sa quarterfinals ang Team Mesulo at Team Guemasan. Ngunit dahil sa kanilang kagustuhan na makapagbigay ng karangalan sa kanilang barangay ay makikita mo na sulit ang pawis at pagod sa kanilang pagehensayo upang matalo ang kanilang kalaban na team at upang makapagbigay ng magandang laban.

Ang Team Cacutud ay ang kampeon noong Mayor’s Cup Season I ngunit sa mga sumunod na season ay hindi na sila nagwagi na iuwi muli ang titulo. Pero ngayong season ay malakas ang kanilang pag-asang makapasok sa championship ngunit malakas rin ang mga team na makakalaban nila.

Ang Team Guemasan ay malaki ang kanilang ginaling kung ihahambing sa mga nakaraang season. Tulad rin ng Team Mesulo na kapag natalo hindi muli magpapatalo. Halimbawa na lang sa kanilang naging laban sa Candating at Batasan kung saan natalo sila sa kanilang unang paghaharap sa dalawang magkabilang team ngunit sa ikalawang paghaharap ay hindi na sila nagpatalo at tinambakan nila ang kalaban kung baga nagkaroon na sila ng kaalaman kung paano sila matatalo.

Ang Team Lacmit ay pumasok sa nakaraang semi-finals ng Mayor’s Cup kaya naman ngayon nabigyan sila muli ng pagkakataon na mapakasok sa finals at iuwi ang titulo ngunit hindi karin makakasigurado. Ito’y dahil ang Team Cacutud, Team Guemasan, Team Lacmit at Team Mesulo ay hindi nagpapatalo na isang pagkakapareho ng apat na team kaya sila nakapasok sa semi-finals.

Nagsimula noong ika-11 ng Nobyembre 2016 ang Mayor’s Cup Season 4 semi-finals kung saan nagbakbakan ng galing ang Team Cacutud, Team Guemasan, Team Lacmit at Team Mesulo upang makapasok sa finals. Ang unang naglaban ay ang Team Cacutud at ang Team Mesulo. Sa unang quarter ay nagtambak ng puntos ang Team Mesulo kung saan hindi nila pinalampas ang bawat pagkakataon na makapuntos sila kagaya ng naging huling laban nila sa quarterfinals laban sa Team Batasan kung saan tinambakan nila rin ito. Ngunit sa ika-apat sa quarter ay biglang humabol ang Team Cacutud tila ba nabuhayan sila hanggang nakahabol at sila naman nagtambak ng puntos laban sa Team Mesulo. Ang huling puntos ay Team Cacutud 87 – 77 Team Mesulo. Ang huling laban ng gabi ay ang Team Lacmit at ang Team Guemasan. Ayon sa mga taga suporta ng Team Guemasan ay “tiniris” ng bawat 3-point-shoot ng Team Guemasan ang Team Lacmit kung saan tinambakan nila ito hanggang huling quarter ngunit hindi naman sumuko ang kabilang team at masipag pumuntos parin. Ang huling puntos ay Team Guemasan 109 – 96 Team Lacmit.

Nagsimula naman ang pangalawang araw ng semi-finals noong ika-13 ng Nobyembre 2016. Ang unang naglaban ay ang mga team na natalo sa unang araw ng semi-finals. Naglaban ang Team Lacmit at ang Team Mesulo. Hindi naman pinalampas ng Team Lacmit ang ikalawang pagkakataon na makapasok sa semi-finals at ganadong tinambakan ng puntos nina Diaz, Siojo at Calusin ang Team Mesulo hanggang sa ika-apat na quarter ngunit nakahabol sila sa huling minute at lalong intense ang labang sa mga segundong natira. Sa huling sampung segundo ay nakuha ng Team Mesulo ang bola at saktong nakashoot si Dela Cruz. At lumamang ng isang puntos ang Team Mesulo kung saang naging puntos ay 83 – 84. Ngunit inutakan at mabilis na inagaw ni Diaz ang bola sa huling pitong segundo at nakashoot ito. Sa huli ang nanalo parin ay ang Team Lacmit. Ang huling puntos ay Team Lacmit 87 – 83 Team Mesulo. Ang huling laban ng gabi ay ang mga team na nanalo sa unang araw ng semi-finals. Naglaban ang Team Cacutud at Team Guemasan. Sa unang quarter pa lang tambakan na ang naging laban nila hanggang sa mga sumunod na quarter kung saan para bang ang Team Cacutud ay sabik na sabik na makapasok sa finals at iuwi ulit ang titulo. Hindi mapigilan sa pag puntos per puntos sina San Juan at Abad na masasabi mo talaga na inangkin nila ang laban at para bang handa na sila sa championship.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s