MGA BENEPISYO NG OREGANO SA ATING KALUSUGAN

t3ehgn

by: Black Swan

Ang OREGANO ay isang halaman na makikita sa ating mga bakuran. Karaniwan itong ginagamit na pampabango dahil sa angking amoy nito at ginagawang pampalasa sa mga lutuin. Itinuturing itong pangmatagalang halaman na karaniwang tumutubo sa maiinit na lugar tulad ng Pilipinas. Tradisyon na nating mga Pilipino ang paggamit ng oregano bilang alternatibong medesina. Marami itong lunas sa mga karamdam at nakakatulong ito sa ating kalusuganan at ito ang mga sumusunod:

• Maganda ang oregano sa mga taong may ubo at sipon. Tinutulungan nitong mapahupa ang matinding pag-ubo at alisin ang bara sa ilong dulot ng sipon. (uminom ng oregano tea tatlong beses sa isang araw).
• Nakakatulong ito upang mabawasan ang pamamaga ng lalamunan.
• Nagbibigay ginhawa ang oregano sa taong may hika at chronic bronchitis.
• Nakakatulong ito upang mapalakas ang ating immune system.
• Mabuti ito sa taong may kabag at nakakatulong sa panunaw ng ating tiyan.
• Dahil sa anti-bacterial substance na nanggagaling sa oregano, mainam itong inumin ng babaeng bagong panganak upang maiwasan ang mga impeksyon.
• Tinutulungan nitong mapabilis ang sirkulasyon ng dugo at para naman sa mga babae, nagbibigay ginhawa ito dahilan ng dysmenorrhea o sakit sa puson.
• Nakakatulong din ang oregano sa mga taong may Urinary tract infection (UTI).
• Dahil mayaman sa anti-oxidant compound ang oregano, tumutulong ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng cancer at nilalabanan nito ang mga free radicals sa katawan sanhi ng pagtanda.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s