Mayor Bon Alejandrino, Naihalal at Nanumpa Bilang Bagong Pampanga Mayor’s League Executive Vice President

etgwrehtg

Ika-07 ng Oktubre 2016, naihalal at nanumpa si Mayor Bon Alejandrino bilang bagong Pampanga Mayor’s League Executive Vice President kasama ang ilang mga alkalde sa lalawigan. Ito ang unang pagkakataon na isang alkalde sa Arayat ang pinagkatiwalaan at inihalal bilang isa sa mga opisyales ng Pampanga Mayor’s League. Sa ikalawang termino pa lamang ni Mayor Bon ay marami siyang napatunayan at naisakatuparan para sa bayan ng Arayat. At ngayon na naihalal siya bilang bise presidente ay nabigyan siya ng pagkakataon upang lalo pang paunlarin hindi lang ang bayan ng Arayat kundi rin ang lalawigan ng Pampanga. Ang naihalal naman na presidente ay ang Lubao Mayor na si Mylyn Pineda-Cayabyab. Ayon kay Mayor Cayabyab, na ikatlong termino na niya bilang alkalde, gusto niyang iparating na kahit nagmula sila sa iba’t-ibang partido ay sana magkaisa sila upang paunlarin ang Pampanga. Kasama rin na nakilahok sa panunumpa ng mg bagong opisyales ng Pampanga Mayor’s League ay sina Gov. Lilia Pineda at Vice Gov. Dennis Pineda.

Ang naihalal na bagong opisyales ng Pampanga Mayor’s League na nanumpa sa Department of Interior and Local Government Provincial Director Myrvi Fabia ay sina : PML President Lubao Mayor Mylyn Pineda-Cayabyab, PML Executive Vice President Arayat Mayor Bon Alejandrino, VP for 1st District Magalang Mayor Malou Lacson, VP for 2nd District Guagua Mayor Dante Torres, VP for 3rd District Mexico Mayor Teddy Tumang, VP for 4th District San Simon Mayor Leonora Wong, Secretary General Minalin Mayor Edgar Flores, Treasurer Macabebe Mayor Annete Balgan, Auditor Porac Mayor Carling dela Cruz, PRO San Luis Mayor Asyong Macapagal at Business Manager Candaba Mayor Boy Baylon. Ang mga PML Directors naman ay sina Floridablanca Mayor Darwin Manalansan, Sasmuan Mayor Nardo Velasco, Bacolor Mayor Jomar Hizon, Sto.Tomas Mayor John Sambo, Apalit Mayor Peter Nucom, Masantol Mayor Dan Guinto, Sta.Ana Mayor Norberto Gamboa at Sta.Rita Mayor Dagi Salalila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s