Madidepensahan ba ng Team San Nicolas ang kanilang Mayor’s Cup Title ngayong season? At anu-anong mga team ang may malalakas na manlalaro?

dsc_0064

Ngayong naganap na elimination round ng bawat team para sa Mayor’s Cup Season IV sa Glorieta, mapapanood at makikita muna kung anong team ang nangunguna at mga nagbibigay ng magandang laban bawat match kung saan napapatayo at napapasigaw ang mga manonood. Ilan sa mga team na nangunguna ay ang Team San Nicolas, Team Candating, Team Batasan, Team San Agustin Norte, Team Suclayin, Team Mesulo, Team San Antonio, Team Lacquios, Team Cacutud, Team Guemasan, Team Lacmit at Team Poblacion.

Pero isa sa mga pinakainaabangan na team ay ang Team San Nicolas dahil sila ang nagkampeon noong Mayor’s Cup Season III at sila ang may hawak ng titulo. Ngunit ngayong season, sila pa ba ng magkakampeon at maguuwi ng titulo? Base sa mga naging laban nila ngayong elimination round, maari silang makapasok sa championship dahil nandyan pa rin ang kanilang big 3 na sina Sigua, Mesina at ang last season mvp na si Venzon. Ngunit sa huling laban nila sa elimination round ay nakahanap sila ng matinding katapat, ang Team Batasan. Ang mga malalakas na manlalaro ng Team Batasan ay sina Banting at Dela Cruz na pumuntos per puntos.

Sa Team Candating naman ay ang fan-favorite na si Mesa hindi lang dahil sa kanyang ngiti kundi rin sa kanyang puntos na ibinabahagi sa team. Sa Team San Antonio ay may dalawa silang mvp na 3 point-shooter na sina
Reyes at Dingal. Sa Team Suclayin ay sina Gamboa at Galas. Sa Team San Agustin Norte ay ang Mayor’s Cup Season 2 MVP na si Villegas at Lazaro. Sa Team Cacutud ay sina San Juan at Abad. At sa Team Poblacion ay sina Manalili at Biding.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s