Awarding of Arayat Centenarians

20161010_071543

by: Lili Pad

Noong nakaraang Oktubre 07, 2016, ipinagkaloob na sa mga kababayan nating mga centenarians ang ipinangakong isa daang libong piso (100,000) mula sa provincial government, na kanilang matatanggap kapag sila ay umabot sa edad na 95 pataas.

Ito ay ginanap sa Benigno Aquino Hall sa City of San Fernando, Pampanga, sa ganap na alas sais (6:00) ng umaga na dinaluhan ni Hon. Gov. Nanay Pineda at 2nd district representative, Hon. Gloria Arroyo. Ang proyektong ito ng ating Gobernador ay nagsimula noong Enero ng taong kasalukuyan. Ngunit ito ay magbabago pagkatapos ng huling batch dahil susundin ng provincial government ang batas na isinasakatuparan ng Centerians Act of 2016 ng bansa. Ang mga susunod na mababahagian ay mga matatandang aabot sa edad na 100 taong gulang na.

Kabilang sa mga nabahagian dito sa Arayat ay sina:

• BENITO DIAZ – 95 (PALINLANG)
• ROSA VENZON – 96 (SAN NICOLAS)
• FELISA MAGCALAS – 96 (SAN NICOLAS)
• CONSORCIA VENASQUEZ – 96 (MESULO)
• FELISA GUZMAN – 97 (TELAPAYONG)
• FLORA PADILLA – 97 (BALITI)
• FRANCISCA GUESE – 98 (TABUAN)
• SEVERINA VALERIO – 98 (PARALAYA)
• OLIMPIA VENZON – 98 (SAN NICOLAS)
• SALVADOR LURIZ – 100 (MATAMO)
• MARCELA TUNGOL – 100 (MESULO)
• MODESTA BONDOC – 101 (CANDATING)

Ayon kay Judy Taguiwalo (Social Welfare and Development Secretary), “Ang mga nakatatanda ay nararapat na ating paglaanan ng respeto at tunay na malasakit.” Dagdag pa niya, “One of the signs of a compassionate and humane society is its responsiveness to the needs of its elderly members. There is so much to be done to protect our senior citizens and we do a great disservice when we do not follow and implement laws and programs that have been crafted and passed precisely to help them.”

Kasamang umalalay sa mga centenarians at kanilang mga pamilya sina Gloria Manalang (OSCA Head) at Mario Sunga (Focal Person).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s