Isang Chinese National, Naaresto sa Naganap na Raid Inspeksyon sa Pinaghihinalaang Shabu Laboratory sa Brgy. San Juan Baño

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-22 ng Setyembre 2016, nagkaroon ng inspekyon sa mga piggery at ibang establisyamento sa Brgy. San Juan Bano kung saan natagpuan ang isang pinaghihinalaang shabu laboratory na humantong sa pagkahuli ni Hong Wenzheng, tatlumpu’t siyam na taon, ng Fukien China at apat na ibang pinaghihinalaang Chinese National na nakatakas. Ang mga nakumpiskang kagamitan sa shabu laboratory  ay ang mga sumusunod :

(1) Combustion with marking DLB-A-09-22-16, (1) Motorstar Diesel Generator, yellow in color with marking DLB-B-09-22-16, (1) blue industrial chiller with marking DLB-C-09-22-16, (1) set power controller with marking DLB-D-09-22-16, (7) industrial distillation set-up with ff. markings : DLB-E1-09-22-116, DLB-E2-09-22-16, DLB-E3-09-22-16, DLB-E4-09-22-16, DLB-E5-09-22-16, DLB-E6-09-22-16, DLB-E7-09-22-16 at (1) reaction mixer with marking DLB-F-09-22-16.

dsdessfdsdessf-2

Ang nasabing inspeksyon ay pinangunahan nina Mayor Bon Alejandrino, PSUPT Samuel Sevilla, OIC Arayat MPS, Bureau of Fire Protection, Pampanga Intelligence Branch, Regional Intelligence Division, Provincial Public Safety Company, 48 IB, 7ID, Philippine Army sa pangangasiwa ni PSSUPT Rodolfo Sabate Recomono Jr, Provincial Director Pampanga PPO, Business Licensing Office, Sanitary Health Office at Municipal Health Office.

Dumating rin ang SOCO na pinangunahan ni PCI Angel Tamario sa nasabing crime scene upang magsagawa ng siyentipikong imbestigasyon na nagbunga sa pagkabawi ng isang konting halaga ng pinaghihinalaang shabu na inilagay sa puting pitsel, timbangan at ibang pang ilegal na drogang kagamitan. Pinaniniwalan na ang nakuhang konting halaga ng shabu ay sa kadahilanan na sila ang naghihintay ng mga materyales at ibang kemikal na gagamitin sa paggawa ng shabu.

Ang naarestong Chinese National ay idinala sa PIB Pampanga PPO para sa nararapat na desisyon sa kanya habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay idinala sa Crime Laboratory Camp Olivas, CSFP para sa pagsusuri.

dsdessf-3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s