Rose Marie Velasquez ng Brgy.Bitas Arayat, Kapampangan 4-Chair Turner sa The Voice Romania

 

14322463_10205813105007450_3847440913731836076_n

Bago umikot ang apat na upuan para sa kanya sa The Voice Romania ay kilalanin muna natin ang kwento ng isang talentong Arayateno na boses ang puhunan, kilalanin natin si Rose Marie Velasquez. Siya ay tubong Brgy. San Roque Bitas at ang mga magulang niya, na ngayon ay lalo pa siyang  ipinagmamalaki, ay sina Rosita Velasquez at Mario Velasquez. Una siyang natutong kumanta, kung saan tinuruan siya ng kanyang nanay, noong limang taon pa lamang siya pero sandali lang iyon. “Ang sarap lang ng feeling pag kumakanta ako at nakikinig sila habang ginagawa ko”, sinabi ni Rose Marie.

Halos tatlong buwan na siyang naninirahan ngayon sa Romania ngunit babalik rin siya sa Malaysia dahil doon ang kanyang trabaho. Nagsimula siyang magtrabaho noong 2015 bilang isang “performing solo artist” sa Soju Kuala Lumpur, Malaysia. Ngunit kapag wala siyang gig ay umuuwi siya sa Pilipinas o sa kanyang kasintahan sa Romania.

Noong ika-10 ng Abril 2016, habang nakabakasyon sila ng kanyang kasintahan dahil kaarawan niya, nabalitaan nila na may audition para sa The Voice Romania kaya nagfill-up siya ng online form at noong mismong umagang iyon ay tinawagan siya upang makasiguradong makakapunta sila. At noong ika-12 ng Hulyo 2016, sumabak siya sa entablado ng The Voice Romania upang iparinig ang kanyang talento para sa kanyang blind audition. Ang kanyang kasama sa kanyang audition ay kanyang kasintahan, ang matalik na kaibigan ng kanyang kasintahan at ang kasintahan ng matalik na kaibigan ng kanyang kasintahan.

efwegtrfe

Ang kanyang pagsali sa The Voice Romania ay ang kanyang unang pagkakataon na pagsali sa isang patimpalak sa pagkanta. Sumali siya dahil gusto niyang magkaroon ng experience at upang harapin ang kanyang takot sa pagsali kaya ginawa niyang inspirasyon ang kanyang pamilya at kasintahan upang magkaroon ng lakas ng loob.

qfegfgb

Ang inspirasyon sa likod ng kanyang kinanta sa kanyang audition na “Rise Up” ay ginawa niyang instrumento upang mailarawan sa pamamagitan ng kanyang magandang tinig na kahit gaano kahirap ang kanyang naging karanasan noong 2014 ay hindi parin siya nawalan ng pag-asa at tiwala sa Diyos. At dahil sa dasal at sipag niya ay bumangon siya muli kagaya ng ipinahihiwatig ng kanta.

Ang kanyang unang ginawa noong umikot ang apat na upuan ay nagdasal at nagpasalamat siya sa Diyos dahil hindi niya ito inaasahan na kahit isang upuan lang ang umikot sa kanya ay masaya na siya. Hindi niya ipinaalam sa kanyang pamilya na sasali siya sa The Voice Romania dahil kinakabahan siya kaya ng malaman nila na nakapasok siya ay nabigla sila sa tuwa at saya. At ngayon ay ipinagmamalaki na siya ng kanyang mga kababayan hindi lang sa Arayat kundi narin ng bawat Pilipinong nakarinig ng kanyang boses ng pangarap.

Narito ang mensahe ni Rose Marie Velasquez sa lahat ng mga sumusuporta kanya:

“Maraming maraming salamat po sa suporta at mga dasal ninyo. Ang sarap pala ng pakiramdam na na kakaisa kayo sa panalangin ninyong makapasok ako sa final. Hindi ko inexpect na madami ang natuwa at naiyak sa performance ko. Hindi ko kase nakanta ng maayos first chair palang yung umikot hindi ko na mapigilan yung iyak ko sa sobrang saya. Next time po dinako iiyak I love you all at maraming maraming salamat sa suporta nyo. God bless you all. Mabuhay Ang Pilipinas!!!”

sfgedfhgf14370436_1524091694283772_1076440360176530257_n

14224712_1524091697617105_5062932238198203839_n14322659_1524091690950439_8212406413231265889_n

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s