Proudly Arayateño : PBA Referee Mardy Montoya ng Brgy. Lacmit

14281294_64552416kl-l5625214_457120982_n

Pawis, pagod at pressure, ilan lang iyan sa mga karaniwang nararanasan at makikita mo sa mga basketball players tuwing maglalaro sila sa isang kompetisyon mapa purok, mapa inter-barangay at mapa PBA man dahil hindi lang nakasalalay sa kanila ang pagkapanalo kundi rin ang “rewarding feeling” ng pagkapanalo dahil pinaghirapan nila ito. Ngunit ilan sa mga hindi nakakaalam ay kinakailangan na doble kayod, doble bilis at alerto kaysa sa mga manlalaro ang mga minsan ay sinisigawan ng mga manonood dahil sila ang nagtatawag ng violation sa mga players at sila ang nagoofficiate ng laro, sila ang mga referees. At isa sa mga referee na napapanood ninyo sa na nagoofficiate ng mga laro sa  PBA ay isang Arayateno. Siya ay si Mardy Montoya ng Brgy. Lacmit. Ang mga magulang niya ay sina Amor Montoya at Marciana Montoya.  Nagtapos siya sa kursong Business Administration Major in Marketing sa PUP.

Bago siya nagsimula sa pagrereferee ay nagkaroon siya ng negosyo na fish pond sa Pansol, Candaba kung saan ito ang kanyang naging unang trabaho pagkatapos niyang magtapos ng kolehiyo. Dinadala niya ang mga isdang nahuhuli sa Dagupan. Ang kanilang negosyo ay nagtagal ng sampung taon. Pagkatapos ng kanilang negosyo, nagtraining siya ng pagwewelder sa AI at umalis papuntang Saudi upang sumubok ng ibang trabaho. Sinubok niya ang iba’t-ibang trabaho tulad ng pagwewelder, pagoopisina at pati rin ang pagpoforeman kung saan siya ay pumasa sa pagsusulit sa pagiging foreman. At noong ika-04 ng Setyembre 2009, bumalik siya ng Pilipinas at bumuo ng isang pamilya kasama ng kanyang asawa na si Myrna Montoya. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na ngayon ay nag-aaral ng kindergarten. Nagtrabaho siya bilang isang tricycle driver kaya naman ay kilalang-kilala siya sa kanila. Naisipan niyang bumalik sa AI noong 2011 at doon ay may nakita siyang nakapaskil na naghahap ng referee at sakto naman ay dala-dala niya ang mga credentials niya kaya nagapply na siya. Halos limang daan ang mga nakasama niyang aplikante at noong isanala na sila ay lima na lang silang natira. At sa limang iyon, siya ang walang experience sa pagoofficiate ngunit nasa dugo niya talaga ang pagbabasketball.

Noong kabataan niya ay sumali siya sa iba’t-ibang palaro sa basketball mapa purok hanggang inter-barangay. At noong nag-apply siya sa PBA, nakasama niya ang ibang referee sa Arayat tulad nina Mr.Jun Dizon at Mr.Batdu Fuertez. Sumali siya sa grupo na PABRA (Pampanga Amateur Basketball Referees Association Inc.) at dahil alam nila na sumali siya sa grupo na iyon ay pinasok siya. Ngunit hindi naman siya nahirapan sa kanyang unang game na inofficiate dahil ibinahagi ng kanyang naging supervisor ang lahat lahat ng kaalaman at bago siya sumasabak sa laro ay isinasanay niya ang kanyang sarili dahil kinakailangan na mas mabilis sa manlalaro. Ayon kay Montoya,“You are in the right place at right time to call for a violation. Kahit anong mangyari kailangan kapani-paniwala kailangan eka manula”.

Nagsimula muna siya sa billing noong 2012 at noong 2014 ay nagsimula na ang karera niya sa pagofficiate sa PBA. Ang kanyang unang larong inofficiate sa PBA ay noong ika-20 ng Mayo 2014 sa Araneta Coliseum kung saan ang nagtunggali ay ang Ginebra at GlobalPort. At ang naging pakiramdam niya noon ay parang siya ang nag-uwi ng medalya at cup, parang siya ang nagkampeon. Iyong minsang pinangarap na hindi niya inakala na magkakatotoo ay nagkatotoo. Para may Montoya, “dream come true” ang makapagtrabaho bilang isang PBA referee.

14256659_645524152291882_594036754_n

Labing-anim silang referee kung saan dalawa ang babae. Nagkakaroon ng bunutan ng mga pangalan upang malaman kung sino ang magofficiate ng mga game pero kapag semi-finals ay lahat na. Hindi naman siya nagkakaproblema sa kanyang katrabaho dahil nagtatrabaho sila bilang isang team na nagtutulungan. Hindi naman sila pinapabayaan ng PBA pagdating sa kanilang araw-araw na pangangailangan. At pagdating naman sa kanyang pakikisama sa mga manlalaro, natural lang ang kanilang reaksyon na parang nasasapian, iyong galit-galit muna, dahil hindi kailangan papetik-petiks at dapat binibigay ang lahat ngunit pagkatapos ng laro ay, bati-bati na sila, magkakaibigan na silang muli.

14269685_645524145625216_1356743202_n

Hindi rin ganoon kadali ang kanyang trabaho dahil kinakailangan niyang iwasan at hindi pansinin ang mga maasim na salitang binabato sa kanya, tuwing magoofficiate siya,ng mga manonood at ng mga coach. Iyong bang ang labing-anim na libo na nanonood ay team ginebra, labing-anim na libo rin ang magagalit at susugod sayo dahil sa maling pagtawag ng violatiojn sa team. At kaya ayaw niyang isama ang kanyang pamilya sa mga larong inoofficiate niya ngunit buo naman ang suporta sa kanya ng kanyang pamilya. “Diresto kung diretso laban kung laban hangga’t buri daka”, sinabi ni Montoya.

Kahit na ilang taon pa lang siya sa kanyang karera bilang isa sa mga referee sa PBA, may isang pagkakataon o kung baga moment na hindi niya talaga makakalimutan. Ito ay noong tineknikal niya ang isa sa mga pinakamataas na opisyales ng team at dahil baguhan pa lang siya noon ay hindi niya alam na bawal ang teknikal ngunit pagkatapos ay humingi siya ng pasensya. At sa pagkakataon na iyon ay doon siya nakilalala ng buong pamilya at ng mga mataas na opisyales ng PBA. Nakilala siya na buo ang loob at may tapang. At ang makarating ka lang sa semi-finals at finals ay isang malaking bagay na talagang maipagmamalaki para kay Montoya.

14256590_645524148958549_1052691003_n-copy

Sa mga nagnanais na pasukan ang karerang pagrereferee, ang mensahe ni PBA Referee Mardy Montoya ay dapat may disiplina at wala kang bisyo dahil puhunan mo ang iyong kalusugan. Kailangan may misyon ka sa sarili mo kung saan lalo mong pinagbubutihan at ginagamit mo ang iyong kakayahan upang makatulong at makapagbigay inspirasyon.  Isa na siyang halimbawa dahil tuwing umuuwi siya sa  Brgy. Lacmit ay tinutulungan niyang magensayo ang mga kabataan tuwing magkakaroon ng inter-barangay. Para naman sa mga kabataan, magpursigi sa pag-aaral dahil ito ang pangunahing batayan upang makuha ang ninais na trabaho. At dapat isinasapuso mo ang Panginoon.

 

14269329_645524158958548_1635622043_n

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s