Nikko Lacanilao ng Brgy. Tabuan, Isinauli ang Napulot na Nakasobreng Perang Nagkakahalagang 25k

14159939_1453180508030610_1904242015_n

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-31 ng Agosto 2016, alas tres ng hapon, sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nakitang nakasobreng pera sa daan, malapit sa Mercury drug store sa palengke, si Nikko M. Lacanilao, taga Brgy. Tabuan, na nagkakahalagang 25k. Ito’y kanyang pinulot at tinignan kung may larawan o nakasulat ng nagmamay-ari nito. May nakita siyang nakasulat na numero sa sobre at hindi siya nagdalawang isip na tawagin ito upang maibalik sa sakaling nagmamay-ari nito. Tinawagan niya ito at ang sumagot ay si Eliza Yunun na hindi alam na nawalan na pala ng pera ang kasama niya. Nawalan ng pera si Rosana Paras, taga San Nicolas, Sta.Ana, pagkatapos niyang magwithdraw sa ChinaBank ng hindi niya namamalayan. At ng nakabalik na siya sa shop na pinagtatrabahuan niya ay doon niya naalala na nawawala na pala ang kanyang pera. Bumalik siya sa palengke upang ito’y hanapin niya ngunit hindi niya ito nakita. Pagkauwi niya ng gabi ay sinabi ni Eliza sa kanya na may nakapulot na sa kanyang nawawalang pera. Tinawagan niya ulit si Nikko upang makipagkita sa Munisipalidad ng Arayat para maibalik ang pera.

Ika-01 ng Setyembre 2016, nagkita sina Nikko at Rosana sa Munisipalidad ng Arayat upang maisauli na ang pera. Nawala ang pangamba ni Rosana ng maiabot na sa kanyang kamay ni Nikko ang nawawalang pera. Tinanggihan naman niya ang reward na sana ibibigay sa kanya ito’y dahil ang mahalaga ay ang nakatulong siya sa simpleng paraan at ito ay ang pagiging tapat sa kapwa. Siya ay nagtapos ng Agriculture sa Pampanga State Agricultural University. Siya ay tunay na maipagmamalaking Arayateno dahil sa kanyang kabutihang-loob kaya naman nararapat siyang pagpalain.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s