MGA BENEPISYO NG SALUYOT SA ATING KATAWAN

saluyot-pics

by: Black Swan
Ang SALUYOT (Corchorus olitorius) ay isang halaman na nagtataglay ng maraming benepisyo sa ating katawan. Naglalaman ito ng ibat’ ibang nutrisyon tulad ng calcium, iron, protein, vitamin A, C and E, thiamin, riboflavin, niacin, folate, at dietary fibers. Meron din itong anthocyanin, alkaloids, terpenoids, tannins, flavonoids, cardiac glycosides. Ito ay karaniwang nakikita sa mga bakuran o kaya naman ay sa bukirin at maaari din itamin kung gugustuhin. Ngunit marami sa atin ang hindi nakakaalam sa mga nutrisyon at bitaminang taglay ng dahon at bunga ng Saluyot.

• Ang dahon ng saluyot ay mayaman sa Fiber na nakakatulong sa pagpapababa ng cholesterol, blood pressure at iba pang sakit sa puso.

• Nagsisilbi rin itong gamot sa mga pananakit ng ulo, tiyan at arthritis.

• Nakakatulong ito sa mga taong may ulcer at nakakaranas ng constipation o taong hirap sa pagdumi.

• Nakakatulong din ang Saluyot sa mga taong may Jaundice o sakit sa atay at apdo. Sa taglay nitong Ethanol extract, mabisang alternatibong gamot ito dahil tinutulungan nitong mapabilis ang panggagamot ng taong may ganitong kondisyon. Ayon ito sa Department of Molecular Medicine, University of Malaya, Malaysia.

• Ang Saluyot ay mayaman sa vitamin A na nakakatulong sa ating mga mata.

• Nakakatulong din ito sa pagpapaganda ng ating balat dahil ito ay mayaman sa vitamin E. Ayon sa mga mananaliksik, Noong unang panahon ang dahon ng saluyot ay ginagamit ni Cleopatra sa kanyan pagpapaganda.

• Maaari naman itong kainin ng mga butis at bagong panganak na babae, dahil ito ay nagtataglay ng sustansya na nakakatulong upang magkakaroon ng saganang gatas ng ina.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s