Mga Aksyon na Ginawa ng mga Opisyales ng MDRRMO noong Kasagsagan ng Malakas na Ulan

dfge

by: Black Swan

Nagsagawa ng monitoring ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa Arnedo Dike Barangay Cupang, Arayat, Pampanga. Ito ay naganap noong ika- 18 ng Agusto sa pangunguna ni G. Ricky K. Mallari kasama ang ating butihing Mayor Emmanuel “Bon” Alejandrino. Dahil ito sa walang humpay na pag-ulan dulot ng Habagat (Southwest Monsoon) na nakakaapekto sa Luzon at Wester Visayas.

Ayon na rin sa kautusan ni Mayor Alejandrino, nagsawa ng sand bagging sa nasabing dike sa kooperasyon ng Brgy. Kapitan na si G. Melvin Guevarra na isinagawa noong araw ring iyon. Upang sa ganoon ay maiwasan ang posibleng mangyaring peligro sa mga mamamayan ng Barangay dulot ng malakas na pag-agos ng tubig sa Dike.

At dahil sinimulan na ulit ang pagawa ng naturang dike, puspusan ang pagbabantay at patuloy na minamatyagan ng magdamag ng mga tauhan ng MDRRMO ang libel ng tubig upang masigurado ang kaligtasan ng mga tao malapit sa nasabing dike.

August 19 & 24, 2016

Kalakip din nito ang masugid na pagbabantay at pag-oobserba sa CONG DADONG DAM dahil na rin sa posibleng agarang paglaki ng tubig sa Pampanga River.

August 13, 2016

Nagkaroon naman ng Tree Planting ang mga Barangay Officials sa Pangunguna ni Mayor Alejandrino kasama ang kawani ng MDRRMO na si G. Gregorio Nucum.

August 16, 2016

Nagsagawa rin ng monitoring ang mga tauhan ng MDRRMO kasama si Mayor Alejandrno sa mga lugar kung saan madalas magkaroon ng landslide.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s