Mayor Bon, Suportado ang Layuning Pangkapayapaan ng mga Rebelde sa Pamahalaan

bonphoto8

ARAYAT, PAMPANGA – Sa kabila ng hindi pagkakaintindihan nina Joma Sison (Communist Party of the Philippines founder) at Presidente Rodrigo Duterte, maraming grupo ng mga rebelde sa bansa ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan upang ituloy ang peace talk sa pagitan nila at ng pamahalan. Ito ay ipinahayag ni Mayor Bon Alejandrino noong ika-20 ng Agosto 2016 kung saan hinimok niya si Presidente Duterte na makipag-usap sa ibang rebelde upang matagumpay niyang ituloy ang proseso tungo sa kapayapaan ng bansa.

Ayon kay Mayor Bon, “It should not be Joma alone because Sison is also a splinter of the old party. President Duterte should unite all leftist groups for the government to achieve a successful peace process.”

Binanggit ni Mayor Bon ang naganap na pagpupulong na naganap sa Heroes Hall sa Siyudad ng San Fernando na nilahukan ng iba’t-ibang leftist na grupo kung saan nilagdaan nila ang isang open letter na pinamagatang “An Open Letter to President Rodrigo Duterte and Our Fellow Filipinos” at kung saan isa siya sa mga lumagda.

Ayon kay Mayor Bon, ang sulat ay naglalayon upang lalong mabigyan ng kaukulang atensyon at aksyon ni Presidente Duterte upang ipagpatuloy ang peace talk at isaalang-alang ang pakikipag-usap sa ibang grupo na malugod na pumapayag sa pagsuporta sa kanyang programa.

“We are offering an unconditional peace with the government provided that he will sit down and discuss with us his programs for Filipinos and for the returnees,” sinabi ni Mayor Bon.

At kung magiging matagumpay, ang mga rebelde ay sasali at magbibigay ng anumang kinakailangan na tulong para sa mga peace negotiation sa ibang grupo. Dinagdag niya na ang mga rebolusyonaryo ay taos-pusong isusuko ang kanilang mga armas at ibang kagamitan kung masisigurado ng pamahalaan ang kanilang kaligtasan kapag nagbalik-loob na sila.

“It is not easy for a rebel to return. There will be danger, threats and possible discrimination but we are showing faith to our new government,” sinabi ni Mayor Bon.

Idinagdag ni Mayor Bon na kung mays pagkukusang-loob ang dalawang partido upang ayusin ang hindi pagkakaintindihan, ang bansa ay kayang ayusin hindi lang ang kapayapaan kundi rin ang ibang problemang hinaharap.

source : SunStar Pampanga

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s