“Kapag nahuli at nakuhanan ka, problema na nila yan”, Mayor Bon laban sa mga Drug Personalities na Ayaw Sumuko

dsc_0306gtdhnggb
ARAYAT, PAMPANGA – Matapos ang tatlumpung araw ng matiwasay na pagsuko ng mga drug user at drug pusher ay diniklera na ni Mayor Bon ang puspusang pakikibaka laban sa ilegal na droga at magpapasensyahan na lang sa mga hindi pa at ayaw sumuko.

Simula noong unang araw ng Hulyo ang pangako ni Mayor Bon sa pagsugpo sa ilegal na droga at gawing drug-free ang bayan ng Arayat sa loob ng tatlumpung araw bilang suporta sa kampanya ni Presidente Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga. Mahigit kumulang na pitong daan na ang sumukong drug personalities ngunit meron parin mga matitigas na ulo kahit paulit-ulit na ng sinasabihan ng lokal na gobyerno at kapulisan.

Binigyan diin ni Mayor Bon, “Matitigas ulo ng mga ito kaya nga pasensyahan na lang kami. Kapag nahuli at nakuhanan ka, problema na nila yan.”

Ipinaalam ni Mayor Bon na uutusan niya ang mga kapulisan ng Arayat na bigyan ng diin ang kanilang operasyon sa mga natitirang suspek lalo na ang mga pusher. Sinabi niya siya mismo ay makikisama sa nasabing operasyon para masigurado ang pagkalehitimo nito.

Naitanong rin sa kanya kung magpapashoot-to-kill siya labang sa mga suspek, sinabi ni Mayor Bon, “Yes, pwede yan.”

Habang ang mga sumukong drug personalities ay sasailalim sa kanilang community service na nagsimula na sa pamamagitang ng pagtatanim ng mga halaman sa Bundok Arayat bilang parte ng kanilang pangakong sinumpaan.

Ang mga livelihood program naman na ipinangako sa kanila ay inihahanda na ng lokal na pamahalaan kasama ng rehabilitasyon at repormasyon na programang na kanilang isasagawa.

source: SunStar Pampanga

One thought on ““Kapag nahuli at nakuhanan ka, problema na nila yan”, Mayor Bon laban sa mga Drug Personalities na Ayaw Sumuko

  1. Kailangan talagang matupad ang pag-reform sa mga drug-involved citizens na sumuko at bigyan ng pagkakataon na ma-involve sa mga community projects ng gobyerno para yung mga bad habit nila ma-convert sa good habit….at umunlad ang bayan at mga familya at mga kabataan sa pangkapayapaang mga community projects like their own backyard industries etc. to be fully occupied on what true beauty & worthwhile endeavors are while we’re here on earth….pretending they’re strong by looking in all the wrong places to connect with society…. instead of in simple welldoing and joy in achieving things that are truly beneficial, valuable and meaningful for themselves and the society as a whole.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s