Progreso at Ilang Pangangailangan ng Bayan, Ibinahagi ni Mayor Bon kay Senator Win Gatchalian

reysryjhoppuyjtyfj

Pinaunlakan ni Senator Win Gatchalian ang paanyaya ni Mayor Bon Alejandrino sa isang kwentuhan na naganap sa Senado ng Pilipinas. Ibinahagi niya ang tungkol sa Pampanga River at kung paano nawasak ang ilang bahagi ng Cong Dadong Dam na sumusuporta sa ilang bayan laban sa pagbaha kung saan naapektuhan hindi lang ang bayan ng Arayat kundi rin ang ilang bayan kaya kinakailangan ang anumang suporta
upang ito’y lalong mapatatag para narin sa kapakanan ng lahat.

Ikwinento rin ni Mayor Bon kay Senator Win ang progresibong pamamahala sa bayan ng Arayat. Kung paano niya ito napaunlad mula sa pagkalugmok nito. Mula sa isang daang at limampung milyon ay dodoble sa dalawang daang milyon ang kikitahin ng bayan ng Arayat ngayong pangalawang termino ni Mayor Bon.

Binanggit rin ni Mayor Bon kay Senator Win ang ipinamamahagi niyang pinansyal na tulong para sa mga scholar ng Arayat at kung maari ay matulungan niya rin siya upang madagdagan ang mga scholar ng Arayat at upang mas marami ang mabigyan ng pagkakataon para sa
maayos na edukasyon.

Ikwinento rin niya ang ilang kagapanan sa kanyang buhay at kung paano siya nagbalik-loob sa gobyerno. Kung saan ang dapat manaig ay ang intensyon upang makatulong na ihaon ang bayan at para sa mabuting pagbabago. Ito’y magagawa lang sa mapayapang paraan at kung isasa-isip at isasa-puso ang paglilingkod na nagsisimula sa pagbabago sa sarili.

At pagkatapos ng seryosong kwentuhan ay hindi maiwasan na magkaroon rin ng biruan kung saan nagbiro si Senator Win kay Ginang Madeth Alejandrino dahil sa kanyang kagandahan. Sinabi ni Mayor Bon na walang makakapantay sa kagandahan ng kanyang asawa at sa pagiging tapat niya tulad ng pagiging tapat niya sa kanyang sinilangang bayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s