Mga Sakit na Maaring Magamot ng Bayabas

bayabas

by: Black Swan

Karaniwan na sa ating mga Pilipino ang halaman ng “BAYABAS” saan man tayo mapadako, makikita ang halaman na ito. Halos lahat ay alam na ang dahon ng bayabas ay ginagamit na alternatibong gamot sa sugat, ngunit hindi lamang ang sugat ang kayang gamutin nito. Ang halamang gamot na ito ay napakaraming benepisyo sa ating kalusugan at ito ay ang mga sumusunod :

• Nakakatulong ang dahon ng bayabas sa sakit ng ngipin at gilagid. Sa pamamagitan ng pag-mumumog ng pinakuluang dahon nito, mababawasan ang pamamaga at pananakit ng ngipin.

• Nakakatulong ang pag-inom ng pinakulong dahon o murang bunga ng bayabas sa pananakit ng tiyan at pagtatae.
• Maganda rin itong alternatibong gamot sa Ulcer sa sikmura. Mabilis nitong pinapagaling ang sakit sa pamamagitan ng pag-inom ng maligamgam na dahon ng bayabas.

• Mabisa rin para sa Rayuma ang dinikdik na dahon ng bayabas. Sa pamamagitan ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng bayabas sa mga apektadong bahagi ng katawan ay makakabawas sa pananakit dulot ng rayuma.

• Tumutulong din ito upang maibsan ang pagkahilo. Sa pamamagitan ng pag-amoy ng dahon nito.
• Epektibo rin ang dahon ng bayabas sa bagong tuli.

• Tumutulong din ito sa mga taong hirap sa pagdumi. Sa pamamagitan ng pagkain ng bunga nito at pag-inom ng pinakuluang dahon nito.

• Nakakatulong ang dinikdik na dahon ng bayabas sa mga taong may Epilepsy. Mabisa ito upang humupa ang sintomas ng Epilepsy.

• Maganda rin sa bagong panganak ang pinaglagaang dahon ng bayabas, tinutulungan nitong mapabilis ang paghilom ng sugat. Maaari itong gawing panghugas ng bagong panganak.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s