Mga Opisyales ng Pampanga, Sinalubong ang Pagbabalik Serbisyo ni Gloria Macapagal-Arroyo

chris navarro

LUBAO, PAMPANGA – Ika – 29 ng Hulyo 2016, Pinangunahan ni Gov. Lilia Pineda, kasama ang mga opisyales ng Pampanga, ang pagsalubong sa pag-uwi at pagbabalik ng Pampanga Second District Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa isang hinandang almusal bilang pasasalamat pagkatapos ng naganap na banal na misa Saint Augustine Parish Church na pinangunahan ni Archbishop Emeritus Paciano Aniceto. Kasama rin ang kanyang asawa na si Jose Miguel Arroyo and dating Representative Juan Miguel Arroyo.

Si Ginang Arroyo ay pinalaya mula sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) pagkatapos nagdesisyon ang korte suprema, sa botong 11-4, na ibasura ang kasong plunder laban sa kanya. Ang paglaya ni Ginang Arroyo ay dumating pagkatapos pirmahan ng labinglimang miyembro ng mataas na hukuman ang desisyon at ang magkahiwalay na opinyon ng apat na mahistrado na tumutol.

Ang mga mahistradong bumoto upang lumaya si Ginang Arroyo ay sina Justices Presbitero Velasco Jr., Teresita de Castro, Arturo Brion, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Jose Perez, Jose Mendoza, Bienvenido Reyes, Estela Perlas-Bernabe, at Francis Jardeleza.

Ang mga mahistradong bumoto laban sa paglaya ni Ginang Arroyo ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, at Justices Marvic Leonen at Benjamin Caguioa.

Ayon kay Gov. Pineda, “I am happy that she can now do her work and be with her people”, masaya siya na nakalaya na siya dahil makakapaglingkod na siya sa kanyang kababayan bilang isang malayang mamamayan at ang makakatrabaho niya ito sa ikalawang distrito.

Sa edad niya na animnapu’t siyam na taon at kahit na nagkaroon siya karamdaman ay pinagkatiwalahan parin at binoto siya sa huling termino. Ayon sa isang panayam sa kanya ay inisa-isa niya ang kanyang lehislatibong adyenda bilang house representative na nagsasabing susuportahan niya ang charter change at lubusang pag-unlad ng Clark International Airport.

source : SunStar Pampanga

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s