Disaster Risk Reduction Management Seminar and Training

DSC00954

by : Black Swan

Nagsagawa ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Seminar at Training sa iba’t- ibang lugar ng Arayat at sa karatig bayan nito. Tinawag ang nasabing pagpupulong na “Disaster Risk Reduction Management Seminar and Training”. Nakapaloob ang nasabing seminar at training sa tatlong kategorya at ito ay ang mga Disaster Risk Reduction Management (DRRM) introduction, Basic First Aid, at Rescue and Transfer Techniques.

Ayon kay Jennifer Talens Sariego (MDDRMO Admin & Training), layunin ng nasabing pagtitipon ang pagkakaroon ng kaalaman at ideya kung papaano ang tamang paraan na dapat gawin kung sakaling may kalamidad at mga wastong gawin sa mga alanganin na sitwasyon tulad ng pagbaha at pagkakaroon ng landslide. Ito ay bilang handa na rin sa mga sakuna at kalamidad na maaaring maranasan ng lahat.

Isa sa mga nasabing lugar kung saan ginanap ang seminar ay ang Arayat National High School sa Barangay Arenas, Arayat, Pampanga at ito ay naganap noong ika-4 ng Hulyo. Dahil na rin sa kahilingan ng pamunuan ng paaralan, kalakip ng nasabing seminar at training ang Earthquake Drills na linahukan ng mga estudyante at mga Guro.

Naganap rin ang nasabing pagtitipon sa DELTA Camp ng Barangay San Juan Baño, Arayat, Pampanga noong ika – 5 ng Hulyo na natapos noong ika – 8 ng Hulyo na nilahukan ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU). kalakip ng nasabing seminar at training ang DRRM introduction, Basic First Aid, Rescue and Transfer Techniques at Water Search and Rescue Training (WSAR). Ayon na rin sa kahilingan ng pamunuan nito, maaaring makatulong ang nasabing seminar at training sa kanila upang magkaroon ng agarang aksyon at responde kung may nangyaring sakuna at kalamidad sa lugar, pati na rin sa mga kalakip bayan at sa buong Probinsya ng Pampanga.

Nagkaroon naman ng imbitasyon ang mga tauhan ng MDRRMO upang magsagawa ng kanilang seminar at training (DRRM introduction, Basic First Aid, Rescue and Transfer Techniques) sa Giggat Resort, Candaba, Pampanga. Ito ay naganap noong ika – 13 ng Hulyo at natapos noong ika – 15 ng Hulyo. Ayon sa hiling at paanyaya galing kay Mr. Al Casal ng Coalition of Service of the Elderly, Inc. (COSE), ang nasabing pagtitipon ay isinagawa para sa mga Senior Citizens at mga piling barangay na laging apektado kapag may kalamidad sa bayan ng Arayat at Candaba.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s