44 na Komunistang Rebelde sa Sta. Ana, Sumuko kay Gov. Lilia Pineda at Mayor Norberto Gamboa

jun malig copy

CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Apatnapu’t miyembro (44) ng New People’s Army (NPA) at Rebolusyonarnong Hukbong Bayan (RHB), dalawampu’t lima (25) mula sa NPA at labingsiyam (19) mula sa RHB, ang sumuko kay Gov. Lilia Pineda at Mayor Norberto Gamboa . Naganap ang pagsuko sa Executive House ng Provincial Capitol ng Pampanga. Nagkaroon ng symbolic turnover sa kaliwang grupo at gobyerno kung saan isinuko nila ang kanilang armas bilang tanda ng kanilang pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan at sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito’y malaking tulong sa lalawigan ng Pampanga ang pagsuko ng mga kasapi ng NPA.

Ayon kay Gov. Lilia Pineda, “Meron rin sa kanila may order of battle, may peace of mind na nandito na sila hindi na sila magtatago”.

Si Mang Antonino Silvera animnapu’t isang taong gulang naisipang sumuko matapos halos ang dalawampu’t limang taong pagiging miyembro ng NPA. Nakumbinsi daw silang sumuko dahil sa nakikita nilang magandang takbo ng pamamahala ni Pangulong Duterte.

Ayon naman kay Lt. Col. Ramil Anoyo, commander of the Army’s 48th Infantry Battalion, malinis daw ang record ng mga nagsipagsukong miyembro ng NPA. Sinabi ni Anoyo, “Walang kaso sila, wala silang kasong murder o criminal offenses, cleared sila”. “Kami sa military ay natutuwa sa mga pangyayari dahil sa wakas ay makakamtan na rin natin ang matagal na nating minimithi na katahimikan sa Pampanga at Central Luzon. Kami ay sawa na rin sa giyera at barilan kaya panahon na para itaguyod natin ang katahimikan”

Malaki naman ang pasasalamat ni Acting Regional Director ng PNP Region III Chief Supt. Aaron Aquino sa mga nagsipagsuko. Ayon kay Aquino, “Ihihinto natin ang pagbabarilan natin at tumulong kayo sa gobyerno, tumulong kayo sa bagong president natin na magfocus tayo kung paano natin mapapaayos ang ating bayan”.

Nagbigay naman ng mensahe ang dalawang alkalde na naging miyembro at pinuno ng mga kaliwang grupo na sina Mayor Bon Alejandrino ng Arayat at Mayor Norberto Gamboa ng Sta.Ana para sa mga nagbabalik-loob na NPA.

Ayon kay Mayor Bon, “Napakasimple lang ang pakikibakang gusto natin, ano ba iyon? Kapayapaan ng buong Pilipinas. Kung toong taos sa puso natin ang pagbabagong buhay, subukan natin sa mapayapang paraan kung saan lagi nating kaagapay ang ating pamahalaan”.

Ayon kay Mayor Gamboa, “Sana po tuloy-tuloy na iyan, kung may natitira pa roon baguhin, higkayatin para bumalik na rito, magbalik-loob na sa gobyerno”. Naniniwala naman si Mayor Gamboa na mapoproteksyunan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga nagsisukong rebelde.

Sinabi rin ni Mayor Gamboa na gagawa siya ng paraan upang mabigyan ng mga nego cart at iba pang paraan upang matulungan at masuportahan ang kanilang kabuhayan. Ipinahayag rin niya na susuportahan ni Gov. Pineda ang pinansyal at iba pang pangangailangan ng mga dating rebelde.
sources : CLTV 36, Rappler

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s