MS Dream Home : Cruz David Family House

DSC_0605

Naranasan muna ba tuwing mapapadaan ka sa isang napakagandang bahay ay mapapahinto at mapapatingin ka? Iyong tipong masasabi mo sa sarili mo na magkakabahay ka rin ng ganyan kaganda. Sino nga ba ang hindi nag-aasam na makapagpatayo ng pinapangarap na bahay? Iyon kung saan ang dating pinapangarap lang ay naisakatuparan na.

Nagsimula lang sa isang simpleng pamumuhay ang mag-asawang Benemevito B. David at Victoria Cruz David. Si Ginoong Benemevito ay nagsimula bilang isang empleyado ng Colgate Pal Philippines at si Ginang Victoria naman ay isang guro na sapat lang ang sinasahod upang mapunan ang araw-araw na pangangailangan.

Nagbunga ang kanilang pagmamahal at nagkaroon sila ng apat na anak na sina Wilfredo, Joseph, Therence at Cristine. Hinubog ng mag-asawa ang kanilang pamilya sa mga natutunan nila sa kanilang mga magulang. Pinalaki nila ang kanilang anak na may pagmamahal, disiplina at respeto sa isa’t-isa. At dahil nagtatrabaho ang kanyang asawa sa isang business company, naisipan nilang magsimula ng sariling negosyo. Mula sa iba’t-ibang negosyo, tulad ng bigasan, ay nakipagsapalaran at sinubukan nila ang kanilang swerte hanggang mapunta sila sa paggawa ng machine-made hollow blocks.

Noong nagsimula ng umusbong ang Arayat ay dumami na ang nagpapagawa ng mga bahay kaya naging indemand ang mga hollow blocks at doon ay nagsimula rin umusbong ang kanilang negosyo. Mula sa maliit na puhunan ay nabawi lahat ang kanilang pagod dahil sila ang naging pangunahing pinagkukunan ng hollow blocks hindi lang sa Arayat kundi na rin sa ibang bayan. Ang kanilang negosyo na Arayat Durablocks Concrete Products and Hardware ay ang tinaguriang Pioneer of Machine-Made Hollow Blocks sa Arayat. At kaya noong 1998 ay sinimulan na ang pagpapagawa sa kanilang bagong tahanan sa desenyo ni Architect Owen Macalino at ito’y natapos noong taong 2000.

Ang mga materyales na ginamit sa bahay ay nanggaling mismo sa kanilang negosyo. Ang bahay ay may tatlong palapag. Pagbukas ng pintuan ay sasalubong sa’yo ang mga litrato ng pamilya at mga iba’t-ibang relihiyosong palamuti na dinisenyo naman ng kanyang anak na si Cristine. At sa kanang banda ay ang sala at kaharap nito ay ang dining room. Sa kanang ng dining ay ang masters bedroom ng mag-asawa. At sa kaliwang banda ng dining room ay ang kusina na binalot sa magandang uri ng kahoy at itim marmol. Pagkalabas ng kusina ay isang malawak na garden at entertainment space kung saan pwede kang makapaglibang dahil may swimming pool, billiard table at pwede karin magkape, magpahangin at enjoy ang tanawin. At sa ikalawang palapag ay ang entertainment room kung saan nanood ng sama-sama ang pamilya at sa tabi nito ay may balkonahe kung saan matatanaw mo ang Bundok Arayat. Sa ikalawang palapag rin ang mga kwarto ng kanyang mga anak at isang malawak na bathroom. Ang ikatlong palapag ay ang attic kung saan dinisenyo ito para sa kanyang mga apo. Makikita rin sa attic ay ang mga litrato ng pamilya noong bata pa sila at mga medalya.

Maliban sa magandang disenyo at arkitektura ng bahay, isa rin sa mga nakakahanga ay ang pagiging asawa at ina ni Ginang Victoria sa kanyang pamilya. Sa edad niya ngayon ay dapat nagpapahinga na lang siya sa bahay ngunit hanggang ngayon ay nagtatrabaho at inaasikaso niya pa rin ang kanilang negosyo. Ito’y upang matugunan niya ang mga gastusin sa medikasyon ng kanyang asawa. Nandyan naman ang kanyang mga anak na handang tumulong ngunit hindi niya ito binibigyan ng obligasyon dahil kaya naman nila pero bilang anak ay tumutulong parin sila. Ang nakakahanga sa kanya ay ang pamilya niya ay ang kanyang inspirasyon “the pillar of her strength and what keeps her going is her love for her family”. At kaya naman tuwing walang pasok, ang kanyang tahanan ay nagkakaroon ng buhay. Ito ay “illuminate with warmth, joy and love” dahil doon niya lang nakikita at nakakasama ang kanyang mga anak at apo. Sa lahat ng mga problema nilang naranasan ay nangibabaw pa rin ang pananampalataya, ligaya, pagmamahal at kabutihang-loob hindi lang sa kanyang pamilya kundi rin sa kapwa. Katulad ng kanyang tahahan, hanggang ngayon ay hindi kumukupas ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya at higit sa lahat ang kanyang kagandahang loob na kahit na sa paglipas ng panahon ito’y walang kasing ganda.

Kung kaya ng Cruz David Family na makapgpatayo ng pinapangarap na bahay ay kaya mo rin basta’t sa lahat ng natatanggap mong biyaya ay huwag mong ipagdamot at huwag magpabago dito sa halip ay tumulong upang mabago ang bayan sa ikabubuti nito. Darating at darating rin ang nararapat na biyaya sa iyo basta’t pinaghihirapan mo ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s