Mga Traffic Enforcer at Kapulisan ng Arayat, Mahigit Kumulang na Isang Daan na Muffler na ang Nabaklas Mula sa mga Motorista

DSC_0985

ARAYAT, PAMPANGA – Noong unang termino pa lang ni Mayor Bon ay pinatupad na ang ordinansa laban sa mga maiingay na muffler ngunit ngayong pangalawang termino ay mas pinahigpit ang pagbabaklas ng mga muffler. Nagsimula noong ika-01 ng Hulyo 2016 ang mas pinaigting na pagpapatupad ng nasabing ordinansa. Sa tulong ng mga traffic enforcer at kapulisan ng Arayat, wala pa man isang buwan, ay mahigit kumulang na isang daan (100) na muffler na ang nabaklas mula sa mga maiingay na tambutso ng mga motorista. Halos wave na sasakyan ang mga nababaklasan ng muffler. Ang mga barangay na nacheckpoint nila ay Brgy. Cacutud, Brgy. Palinlang, Brgy. Camba at Brgy. Bitas. Ang mga nabaklas nilang muffler ay lalasawin gamit ang baco truck ng Munisipalidad ng Arayat kapag nagkaroon na ng utos mula kay Mayor Bon. Ayon sa ordinansa, walang batayan kung ilang decibel ang babaklasan na muffler basta’t ito’y maingay at nakakaperwisyo ay babaklasin at kokompiskahin. Pagdating naman sa mga dayuhang motorista na napadaan lang ay titiketan lang ang mga ito at pagbibigyan dahil hindi naman sila masisi na hindi nila alam ang batas ng ibang bayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s