Mahigit Kumulang na 400 Drug Personalities na ang Sumuko at Nanumpa ng Pagbabago sa Arayat

DSC_08RUUYIOUTGHKJ06

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-29 ng Hunyo 2016, inilunsad ang Arayat’s Comprehensive Anti-Illegal Drugs Drive sa Multi-Purpose Hall na pinangunahan ni Mayor Bon Alejandrino kasama sina Vice Mayor Monching Changcoco, Sangguniang Bayan at mga kapulisan ng Arayat kung saan daan-daang mga “drug personalities” ang sumuko at nanumpa na magbabago. Ayon sa ACAIDD, pagkatapos nilang sumuko at nanumpa ay kusang-loob silang irerehabilitate at pagkatapos ay sumangguni sila sa gobyerno at sa Public Employment Service Office kung saan tutulungan silang makahanap ng disenteng trabaho bilang parte ng kanilang pagbabago.

Pagkatapos inilunsad ang nasabing kampanya laban sa ilegal na droga ay sunod-sunod na ang mga sumusuko at sa loob ng dalawang linggo ay mahigit kumulang na apat na daan na drug personalities na ang sumuko sa dalawampung tatlong barangay; Mesulo – 9, San Mateo – 9, Camba – 21, San Nicolas – 15, Suclayin – 9 , San Agustin Norte – 2, Baliti – 17, Lacmit – 1, Telapayong – 9, Bitas – 16, Gatiawin – 16, Matamo – 3, Poblacion – 10, Mapalad – 20, Guemasan – 17, Cacutud – 9, Cupang – 10, Tabuan – 5, Buensuceso – 17, Paralaya – 6, Plazang Luma – 3, San Juan Bano – 16, Candating – 167

Ayon kay Mayor Bon, “Yung kay President Duterte, six months. Yung six months parang masyadong mahaba. Kasi kung titingnan mo kung kaming mga nasa katungkulan susunod kami sa mandato niya agad masusugpo ang drugs sa bansa”.

Pinangako ni Mayor Bon na sa loob ng tatlumpung araw / isang buwan ay gagawin niyang drug-free ang bayan ng Arayat. Sinabi niya, “The cooperation of the community with the local government and police force put more teeth to our program to end criminalities and illegal drug activities here in 30 days”.

One thought on “Mahigit Kumulang na 400 Drug Personalities na ang Sumuko at Nanumpa ng Pagbabago sa Arayat

  1. Wow….topnotcher pala ing Candating, Camba, Mapalad, Baliti, Buensuceso, ampong Guemasan ne?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s