Radyo Noon, CCTV Ngayon

DSC_0345

Sa unang termino pa lamang ng ating Mayor Emmanuel Alejandrino ay nailatag na ang mahigit kumulang na apatnapung (40) CCTV camera na sumakop sa kabuuan ng munisipyo mula sa loob hanggang sa labas. Ganoon din sa Pamilihang Bayan ng Arayat at maging sa mga piling lansangan tulad ng crossing Cacutud at sa Mesulo highway. Ito ay nakapagtala na din ng mahigit animnapung (60) insidente sa loob at labas ng munisipyo at sa mga highway na kinasasangkutan ng mga sasakyan na kung saan ay mas pinadali ang trabaho ng mga kapulisan at maging ng mga traffic enforcer.

May mga kaso din ng nakawan sa palengke na inilapit nina Mr. Edgar Cruz at John Paul Mercado na ating natugunan, mga aksidente sa highway ang kay Michelle Mesa, Grace Navarro, Alma Dela Cruz at Ching Sarmiento. Samantalang pagnanakaw rin ang inilapit ni Mr. Oscar Castro, Ruth Gonzales, Danilo Canilao at Enrique Sugse na lahat naman ay napaglingkuran, natulungan at sa mga hindi mabilang pang insidente.

Dahil dito sa ikalawang termino ni Mayor Bon ay dalian niyang ipinahayag na lalo pang susuportahan ang mga ganitong proyekto at ipalaganap ang paglalagay ng mga cctv camera sa mga barangay.

Inaasahan na madagdagan, ngayong pangalawang termino ni Mayor Bon, ang mga CCTV camera sa mga piling barangay sa Arayat. Maglalagay sila ng tatlong CCTV camera sa bawat barangay at ang mga barangay na ito ay ang Barangay Plazang Luma, Barangay San Antonio (Intersection), Barangay San Juan Bano (landslide area) at Barangay Poblacion (Glorieta). Ang CCTV room na ngayon ay nasa Mayor’s Office ay ililipat at ipapatayo ng sariling bagong gusali na may dalawang palapag at babantayan mula sa mga Wireless High Definition Camera ng beintikuwatro oras at kikilalanin na bilang “Public Safety Command Center” sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Bon Alejandrino. Isa rin sa proyekto ni Gov. Lilia Pineda ang paglalagay ng mga CCTV camera sa mga barangay kaya inaasahan na halos lahat ng mga barangay ay mabibigyan ng bantay proteksyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s