Agnes David Pantig Mamon Tostado at Puto Seco (HOME OF MAMON TOSTADO & PUTO SECO IN PAMPANGA)

DSC_0101

Noong 1972 nagsimula ang negosyong mamon tostado at puto seco nina Ines David at ang kanyang pamilya sa Cabalantian Bacolor, Pampanga. Dati ang ginagamit lang nila ay pugon at nilalagyan ng kahoy. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ni Manuel David at nagkaroon sila ng pitong anak at isa na rito si Agnes David Pantig na kasalukuyan nagmamay-ari at nangangasiwa ng kanilang negosyo. Ito’y ang naging pangunahing pinagkukunan nila ng puhunan sa bawat gastusin at upang tustusin ang pag-aaral ng kanyang mga anak. Ngunit noong Oktukre 1995, isang malagim na sakuna ang nagbaon hindi lang sa kanilang negosyo kundi rin sa kanilang bayan kaya naman noong Nobyembre 1995 sila’y lumipat sa Brgy. Buensuceso, Arayat upang magsimulang muli.

Isang araw habang nilalabhan ni Agnes ang kanilang naputikan na damit ng lahar, nakita siya ng kanyang tita at tinanong kung magpapatuloy pa ba siya sa kanyang negosyo matapos ang lahar at ang sinabi niya ay paano daw siya magpapatuloy kung ang lahat ng kanilang gamit ay nalahar na. At dahil sa kabutihang loob ng kanyang tita ay pinahiram siya upang makapagsimula at ipagpatuloy ang kanilang negosyo. Nagsimula lang siya sa maliit na puhunan, na pinahiram ng kanyang tita, na pinambili niya ng mga kagamitan. Nabawi naman sa kulang na dalawang buwan ang puhunan at doble pa ang naging balik sa kanila at iyon pa lang ang simula.

Mas lalong lumago ang kanilang negosyo noong nagkaroon sila ng mga dealer mula sa mga malalaking kompanya. Isang araw, habang bumibili siya ng itlog ay nagkita sila ng kanyang kamag-anak na si Jomar Hizon at inalok na sa kanya na lang siya bumili ng itlog. Pumayag naman siya at tinulungan siya ng kanyang kamag-anak sa kanyang negosyo. Tatlong libong itlog araw-araw ang dumarating sa kanya kaya tinuruan siyang maglako ng paninda mula sa pa basket basket hanggang kahon kahon na ang kanyang nilalako.

Ilan sa mga dealer ng kanyang produkto ay ang Tita’s Special, Pampanga’s Best, Holidayland, Partyland at Cabalen ngunit hindi ang kanyang pangalan ang nilalagay sa mga produkto kundi ang pangalan ng dealer. Pagdating sa label ng mga produkto ay ayos lang sa kanya kahit ano pang pangalan ang ilagay basta’t maayos at tinupad ang naging kasunduan.

At sa pagdami ng mga dealer ay kinailangan na mas lalong sipagan kaya maaga silang gumigising upang makarami ngunit hindi naman ganoon kahigpit dahil ang mga pinsan at anak niya ang kanyang mga empleyado. Depende sa mga dealer kung ilan ang gagawin nila para isupply sa kanila. Karaniwang dalawang daan balot ng mamon tostado at dalawang daang balot ng puto seco araw-araw. Mabili rin ang kanyang produkto sa mga balik bayan na gustong magbaon ng pagkaing Pilipino.

Pati na rin ang mga tv stations sa Pampanga ay naging interesado, kinunan at nafeature ang kanyang negosyo dahil narin ito ang naging pangunahing pinagkukunan ng mamon tostado, ang kanyang produkto, mula sa malalaking kompanya at dahil naging matagumpay ang kanyang negosyo.

Napagtapos niya ang kanyang mga anak sa kanilang pag-aaral at nakapagpagawa siya ng bahay dahil sa kanyang negosyong mamon tostado at puto seco na masasabing isang katuparan mula sa isang magulang na nagawa niya ang kanyang responsibilidad dahil sa tiyaga at sipag niya. Ano nga ba ang naging recipe niya sa tagumpay sa kanyang negosyo? Maliban sa hindi niya binago ang original na recipe ng kanyang nanay ay ayon sa kanya, sipag, tiyaga at paniniwala na pagkatapos ng unos ay may nakalaan na biyaya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s