Ulat sa Bayan ni Mayor Emmanuel Alejandrino

DSC_0995 copy

I M P R A S T R A K T U R A

MUNICIPAL ENGINEER’S OFFICE :

MT. ARAYAT NATIONAL PARK: Napupuno na po nang turista ang National Park. Kumpleto na ang olympic-size swimming pool. Mayroon tayong hanging bridge, mga airconed modern villas, makukulay na bakod, kaakit-akit na landscaping, malilinis na palikuran, viewing deck, malawak na pavilion, maayos na cottages at picnic tables. Simula na ng katuparan ng ating pangarap na ang Mt. Arayat ay maging tanyag na Eco-Park sa buong mundo.
ROADS, CREEKS, AND DRAINAGE CANALS: Sinikap ng ating administrasyon na mapaunlad din ang mga daan, lagusan at mga kanal patungo sa Mt. Arayat National Park. Nagkataon na ang National Park ay halos nasa kalagitnaan ng Bayan ng Arayat kaya’t lahat ng pangunahing daan sa buong bayan ay naipaayos para maging kaaya-aya sa ating mga turista ang kanilang biyahe sa tuwing mamamasyal sa Park.

Nagkaroon na rin tayo ng Heavy Duty Back Hoe upang mapagaan ang paglilinis ng ating kapaligiran, mga daan, creeks at drainage na kung saan nagbabaha at nasasalanta ang mga pananim. Tulad sa Barangay Baliti, Telapayong, Panlilang, Bitas, Lapaz Turu, Lacmit, Plazang Luma, Cacutud at Gatiawin. Ngayon po ay makaaasa na tayong mababawas ang pagbaha at aani na tayo ng mas maayos sa taong ito.

BIRTHING STATION : Magagamit na rin natin ang ating makabagong Birthing Station para sa ating Maternal Health Care. Inaantay na lang natin ang accreditation. Ito ay nasa loob ng ating Municipal Compound.

DSWD: Ang panlipunan pag-unlad ay pangunahing pangangailangan ng ating mga mahihirap na mamamayan. Naisagawa po natin ang mga sumusunod sa nakaraang taon:

  1. Pagpapagawa, higit pang pagpapaayos at pagkukumpuni ng mga karagdagang accredited at lisensiyadong Day Care Centers sa 11 barangays. Apatnapu (40) na ang kabuuang bilang ng mga Day Care Centers sa 30 barangay.
  1. May apatnapung Day Care Workers po tayo na lisensiyado at patuloy ang kanilang refresher course taun-taon.
  1. Konstruksiyon ng Drop-in Center for Children in Conflict with the Law (CICL) upang pigilan ang pagtaas ng bilang ng mga batang napapariwara mula sa pamilya.
  1. Libreng Pagpapaaral sa 311 na mag-aaral sa kolehiyo na pawang kabilang sa mga mahihirap na pamilya at karapat-dapat tulungan.
  1. Higit na pinaghusay na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan tulad ng libreng gamot pang-maintenance sa mga senior citizens at mga medical mission sa tulong ng Unang Ginang ng Arayat na si Gng. Madeth “Mayora” Alejandrino.
  1. Social Pension and Philhealth Lifetime Coverage mula sa ating National Government.
  1. Ginagampanan ng mga volunteer Barangay Health Workers at mga Day Care Workers ang pagsasagawa ng regular feeding sa mga batang wala sa wastong timbang.
  1. Upang higit pang gampanan ang serbisyong pampubliko, ang Isang Milyong budget mula sa pondo ng Munisipyo na hindi sumapat ay sinikap na mapunan mula sa 6 Milyong pondo mula sa DSWD, 15 Milyon sa Provincial Government, at 10 Milyon mula sa National Housing Authority. Kabuuang 6.4 Milyong pondong nagastos para sa Day Care Services, ang Supplemental Feeding Program ay nagkaruon ng 6,941 beneficiaries, 3,604 beneficiaries sa 4Ps, nasa 651 po ang bilang ng ating beneficiaries sa Sustainable Livelihood Progam, at may 1,645 po ang natulungan na sa ilalim ng Assistance for Individual in Crisis Situation Program. Ang 40 Day Care Centers ay binubuo ng 6,941 na estudyante na nabigyan ng libreng school bag na naglalaman ng school supplies at libreng textbooks.

PWD: Patuloy pa rin ang pagiging aktibo ng mga opisyales ng ating mga kababayang may kapansanan or Persons with Disabilities sa kanilang Arayat PWD Association. Nagkaruon sila ng Medical and Dental Mission, nakapagbigay tayo ng mga karagdagang wheelchairs, financial assistance para sa pagkain, edukasyon at livelihood na pondong buhat sa MSWDO at Muslim Aid. 1,183 PWD ID ang naipamahagi para sa purchase booklet sa pagbili ng gamot at groserya. Mayruon ding SPED class ang PWD sa Anderson Elementary School katulong ang Kausap, Incorporated.  102 na estudyante ang nabibigyan ng 2,500 pesos kada taon bilang educational assistance sa kabuuang 255,000 pesos kada taon.

OSCA: Tuloy-tuloy pa rin ang Office of the Senior Citizens Affairs ng Munisipyo sa pagkakaloob ng 2,000 pesos death assistance at 80 na ang natulungan ng programa, 40 kataong nabigyan ng medical assistance na 1,000 hanggang 1,500, at libreng PhilHealth coverage sa mahigit na sampung libong senior citizens.

May kabuuang 678 senior citizens ang tumatanggap na ng social pension sa halagang 4.0 Million kada taon. 170 bedridden senior citizen naman ang tumatanggap buwan buwan ng 1,000 pesos mula sa ating mahal na Gobernador Nanay Pineda.

Binabati ko po ang lahat ng ating mga senior citizens at kailangan po na maging malulusog tayo para umabot sa edad na isang daang taon at makatanggap ng 100,000 pesos na individual cash incentive mula sa Provincial Government. 18 Senior Citizens na po ang tumanggap ng 100,000.00 pesos kada isa sa kabuuang 1.8 Million, at 15 ang nag-aantay na lang ng approval. May 18 senior citizens din po tayo na tumatanggap ng 1,800 pesos bilang buwanang financial assistance mula sa Provincial Government.

PESO: Ang Public Employment Service Office (PESO) ay sinasabing maliit na auxilliary department ng ating Munisipyo na umaantabay sa Department of Labor and Employment o DOLE. Subali’t maipagmamalaki nating mga Arayatenos na daan-daang mamamayan ang natutulungan nito sa pamamagitan ng pagsasanay, seminar, suportang pangkabuhayan at tulong sa mga scavengers.

Maliban sa tatlumpu at tatlo (33) na Pangkabuhayan Nego Kart at 47 na scavengers upang maibsan ang kanilang paghihikahos sa buhay, may kabuuang 231 ang sumailalim na sa ibat ibang TESDA training tulad ng electrical installation, cookery, food and beverage, dressmaking at beauty care at welding. 39 na po ang nakapagtrabaho sa aboroad mula sa ating mga TESDA graduates. Labing isa po ang employment agencies ang nagkakaloob ng libreng pagsasanay para sa trabaho sa ibang bansa, at limang agency naman ang nagsasagawa ng training para sa lokal na pagtatrabaho. Mayroon din tayong kabuuang 87 kataong sumasailalim sa Special Program for Employment of Students (SPES).

PANGKALUSUGAN

MHO: Mahusay na serbisyong pangkalusugan ng ating mga duktor, narses at kumadrona ang isinasagawa n gating Municipal Health Office tulad ng program sa immunization, operation timbang, operationg tule, pagkontrol sa mga nakakahawang sakit, out patient consultation, minor surgical operation, medical mission, supplemental feeding, upgrading and renovation ng Rural Health Unit 1, 2 at 3.

Ang MHO ay nakapagsagawa rin ng Refresher Course Training at Barangay TB Patrol sa mga BHW para masugpo ang sakit na tuberculosis. 10,040 ang mamamayan na nabigyan ng PhilHealth mula sa National Government, 240 indigent beneficiaries mula sa Office of the Mayor.

Kaagabay din ang MHO sa panahon ng kalamidad at pinamamahalaan ang inspeksiyon at pagmonitor sa kapaligiran lalo na sa mga nangangailangan ng Sanitary at Health Permits.

PANG-EDUKASYON

Ang edukasyon ay isa sa prayoridad ng ating administrasyon. Dalawang libo at limang daang bag na naglalaman ng mga school supplies ang naipamahagi ng MSWO para sa ating mga anak na nasa ilalim ng pangangalaga ng Day Care Program. Sa kasalukuyan, mayruon tayong 311 college scholars galing sa iba’t ibang barangay sa buong Arayat. Sa pamamagitan ng Special Education Fund ay natustusan natin ang pagpapa-repair ng halos lahat ng ating mga silid-aralan. Sumuporta naman sa ating magandang layunin ang DepEd sa pamamagitan ng pagpapagawa nang mga bagong silid-aralan sa halos lahat ng barangay sa ating bayan.

PANGKAPAYAPAAN

Mahigit na sa 500 na ang bilang ng mga drug users and pushers na kusang sumuko sa ating kapulisan. Isang pagpapatunay na ang kasalukuyang administrasyon ay seryoso sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng ating bayan kaya ang bago at modernong Municipal Police Station ay ipinatayo. At bilang prayoridad na programa ang Peace and Order, ito ay sinuportahan ng mga Community Police Assistance Centers na itinayo sa Barangay Suclayin/Camba at sa San Antonio.

 

Nakapagpatayo na rin tayo ng Tourist Police Station sa loob ng Mt. Arayat National Park bilang proteksyion sa ating mga lokal at turistang galing pa sa ibang bansa. Upang mapaigting at mapabilis ang komunikasyon at pakikipag-ugnayan pangkapayapaan, mayruon na tayong Two-Way Radio na ginagamit para sa komunikasyon at PNP Mobile Service Car.

 

Nakapag-install na rin po tayo ng CCTV sa luob at labas ng Municipal Building, sa may Public Market at Barangay Cacutud Crossing para sa karagdagang seguridad. Nabawasan na ang krimen sa Bayan ng Arayat.

PANG-AGRIKULTURA

MAO: Napakaraming programang pang-agrikultura ng ating  kasalukuyang administrasyon.  Patuloy ang iba’t ibang training and seminars, at ang ilan sa mga nakaraan ay nauukol sa Rice and Corn Development. Ang Organic Farming Orientation ay patuloy na isinasagawa upang ang ating mga magsasaka ay matutunan at makasanayan ang paggamit ng natural na pataba.

Naipamigay sa 380 magsasaka ang mga binhing gulay mula sa DA-RFO III upang itanim sa mga bakuran ng 30 barangays. Mula sa BFAR III naibahagi sa 3 barangays ang mga fingerlings o similya, at motor engines, life vest at petromax sa 2 barangays. Isang barangay ang nabigyan ng solar lamp.

Mula sa DAR-RFO III nakapamahagi tayo ng harvesters, tractor, thresher at shallow tube well sa ibat ibang kooperatiba.

Nasimulan  na  rin  po  ang  ating sariling Organic Fertilizer Production Project sa Barangay Tabuan na pinonduhan ng 3 Milyon mula sa BUB Fund.

PANGKALIGTASAN

MDRRMO: Sa ilalim ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, pinaghahandaan na nang may kahusayan ang posibleng paglindol, pagguho ng lupa, pagbagyo at pagbaha, kaakibat nang mga ito ang mga kaukulang pinsalang maaaring maidulot sa mga mamamayan, pananim, alagang hayop at iba pang mga ari-arian.  Bilang paghahanda upang maiwasan ang mga sakunang dulot ng mga kalamidad, patuloy na sinasanay ang ating mga kawani at mga mamamayan sa mga barangay. Nililinis ang mga drainage canals, binibigyan ng pansin ang pagsasaayos ng mga gusaling maaaring bumagsak, at sa pamamagitan ng mga drills, trainings at seminars, tayo ay nahahasa upang maging ligtas sa mga sakuna. Patuloy ang Community Base Early Warning System para sa maagap na paghahanda sa mga posibleng sakuna at pagbibigay ng babala sa ating mga informal settlers.

Papatapos na rin ang temporary Evacuation Center building sa likod ng Municipal building na nagkakahalaga ng 2 Million.

Inihanda ang mga evacuation centers at nagtalaga ng mga sinanay na Barangay rescuers na handang tumulong sa mga panahon ng pagbaha o pagguho ng lupa dulot ng bagyo, at kung may sunog o paglindol. Nakapagpundar na tayo ng mga kagamitan para sa search and rescue operations na gamit tuwing may nagaganap na kalamidad. Sa kasalukuyan ay patuloy na rin ang pagpapatayo ng ating Municipal Fire Station.

PATALAANG SIBIL AT PAGBUBUWIS

PATALAANG SIBIL: Dalawang daan at labing-siyam (219) mag-kabiyak ang libreng naipakasal sa ginanap na Kasalang Bayan nuong Araw ng mga Puso. Tumaas din po ang bilang ng mga nakapagrequest ng mga dokumento sa NSO sa pamamagitan ng Batch Request System (BREQS).

ASSESSOR’S OFFICE: Patuloy na tumataas taun-taon at umaabot na sa halagang 889 Million ang total property assessment na pinamamahalaan ng wasto, mahusay at epektibo ng ating Assessor’s Office. Nagkaroon ng tax mapping na kung saan ay halos nailista ang mga ari-arian na dapat bayaran ng buwis. Gayundin ang ITax ay nagsimula ng ipatupad na nagresulta ng full computerization ng lahat ng mga assessment records at ito ay nagbunga ng mabilis na serbisyo at tamang mga datos.

 TREASURER’S OFFICE: Sa pangungulekta ng bayad sa buwis, cedula, business permits at mga licenses, ang mga ito ay batay sa mga ordinansa ng Provincial Government. Tumaas po ng 12% ang ating total collection sa loob ng nakalipas na tatlong taon.

PANG-KAWANI

Isang mahalagang prayoridad na naisagawa para sa kapakanan ng mga kawani ng munisipyo ang dagdag sahod at allowance para sa mga kawani ng Munisipyo ng Arayat na ipinatupad sa taong 2016 ng walang pag-antala pagkalipas na ito ay aprubahan ng Pangulong Noynoy Aquino. Hindi po lahat ng mga Mayor ay ipinatupad ito sa kani-kanilang sinasakupang munisipaliodad o siyudad man.

Upang makapagserbisyo nang higit na mahusay sa ating mga nasasakupan, ang ating Human Resources Office ay nagtalaga ng karagdagang mga tauhan upang magampanan ang mga serbisyong kinakailangan ng ating mga nasasakupan.

Patuloy pa ring ginaganap ang mga trainings at seminars upang lalo pang umunlad ang antas ng kaalaman at kasanayan ng lahat ng empleyado. Ipinagkakaloob pa rin sa mga kawani ang karagdagang bonus batay sa Productivity Enhancement Incentive Program ng National Government na may kabuuang mahigit sa 3 Million Pesos. Naibibigay lahat ang mga benepisyo ng isang kawani ng gobyerno.

Ang Bayan ng Arayat ay isa lamang po sa mga nabigyan ng ganitong bonus sa buong lalawigan ng Pampanga dahil sa Seal of Good Housekeeping na iginawad ng DILG. Ginawaran din ng mga promotions ang ilang kawaning kuwalipikado. Nakapag-comply na rin tayo sa Strategic Performance Management System ng Civil Service Commission.

 

 

PANGKALAKALAN

AGRO-INDUSTRIAL DEVELOPMENT STRATEGY: Ang istratehiya pong ito ay isang malaking suporta para sa agrikultura. Sa ngayon po ay may mga bago na tayong mga fish raisers. Sa lalong madaling panahon, batid natin na mahihikayat din ang marami upang palawigin pa natin ang pag-aalaga ng mga isda, paggawa ng iba pang produkto katulad ng mga natural na pataba, pagtatayo ng mga nursery o seedling bank, pagproseso nang mga pagkaing gawa ng mga Arayatenos, at pagtatayo ng iba pang negosyong pang-agrikultura, o mga pagawaang makapag-papaangat sa kalidad o uri ng ating mga sariling produktong pang-agrikultura.

Sa ngayon po ay mayruon na tayong ilang kababayan na nagsisimula nang bumuo ng mga kooperatiba o asosasyong magsasagawa ng mga negosyong pang-Agro-Industrial. Sa pamamagitan ng Agrikultura tayo nagsimulang mabuhay bilang Arayatenos, kaya’t sa Agrikultura rin tayo uunlad.

PANGKALIKASAN AT TURISMO

GREENING, TREE PLANTING AND REFORESTATION: Maraming sector na ng lipunan ang nakiisa sa ating proyektong pagtatanim ng mga puno at prutas sa ating mga bakuran, mga tabi ng daan, at sa mismong Bundok ng Arayat. Tumutulong sa pagtatanim ang mga kawani sa Munisipyo, Barangay elected at appointed officials, BHW, guro, mag-aaral at empleyado sa elementarya at mataas na paaralan sa buong Bayan ng Arayat, mga propesyunal at organisasyon. Mahigit na sa limampung libong punla na po ang ating naitanim sa nakaraang taon.

TOURISM: Ibinabalangkas na po sa kasalukuyan ang ating Tourism Code. Mayruon na tayong Tourism Office upang makipag-ugnayan sa pagpapaunlad ng ating industriya sa turismo. Ang maitala sa buong mundo ang kagandahan ng Mt. Arayat at ang mayaman na Kulturang Arayatenos ay hindi isang simpleng pangarap lamang, kundi ito ay isang seryosong pangarap na sa lalong madaling panahon ay mapagtatagumpayan ng ating bayan sa pamamagitan ng patuloy na pangangalaga sa ating mga yamang pangtao at pangkalikasan.

MENRO:

Mula sa tulong ng ating mahal na Gobernador Lilia “Nanay” G. Pineda, nakapag-patayo na tayo ng Municipal Materials Recovery Facility (MRF) at nakapag-pundar ng Baler machine na may kabuoang halagang 3 milyong piso.  Ang mga ito’y matatagpuan sa Barangay Tabuan.  Mayruon na ring Barangay MRF ang 28 nating barangay, at isa pang MRF para sa ating public market na matatagpuan sa Central Terminal Station.  Ang mga MRF na ito ang siyang magsisilbing pansamantalang imbakan ng mga basurang kinokolekta ng mga barangay “garbage collectors” sa mga bahay-bahay bago dalhin sa Central o Municipal MRF.

Ang dating mala-smokey mountain na open dumpsite dahil sa mahigit 15 taong walang habas na pagtatapon ng basura sa Barangay Tabuan, ay ang lugar na kung saan nakatayo ang ating Municipal MRF.  At hindi magtatagal ay magiging “theme park” ito na maaaring pasyalan ng ating mga kababayan dahil sa mahusay na pagkaka-ayos nito.

Dahil dito, noong Hulyo 01, 2016, sinimulan natin ang ma-igting na pag-papatupad ng RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000), lalung-lalu na ang “No-Segregation, No-Collection Policy” upang mapanatili ang kalinisan sa ating Central MRF at bayan ng Arayat sa pangkalahatan.

Sa ngayon, ang basurang nating hindi na maaaring pakinabangan o ang tinatawag na “special wastes” ay pinadadala sa sanitary landfill sa Capas, Tarlac na pag-aari ng Metro Clark Waste Management Corp.  At upang mapanatili ang kalinisan ng ating bayan,  minarapat nating kuhanin ang serbisyo ng mga eksperto  upang mabilis na matapos ang ating Ten-Year Solid Wastes Management Plan, na siyang magiging  panuntunan hinggil sa mahusay at maayos na pangangalaga ng basura sa ating bayan.

Patuloy din ang pagdaraos ng Information and Education Campaign (IEC) sa mga barangay at eskwelahan upang mabigyan nang sapat na kaalaman ang ating mga kababayan hinggil sa epektibong pangangalaga nang ating kapaligiran.  At upang maipalaganap ang RA 6969 (Toxic Subtances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990), RA 8749 (Philippine Clean Air Act of 1999), RA 9275 (Philippine Clean Water Act of 2004), at iba pang mga batas pang-kalikasan.

PAGPAPLANO AT PAGPAPAUNLAD

MPDO: Katuwang sa ating administrasyon ang napakahalagang ginagampanan ng Municipal Planning and Development Office. Ito ang nagsisilbing sentro kung saan nananahan ang epektibo at mahusay na pagpaplano para sa pagpapaunlad ng buong Bayan ng Arayat.

Ang pagbabalangkas nang maagap na solusyon para sa mga pangkasalukuyang suliraning lokal ay isinasagawa ng MPDO. Aprobado na ng ating Sangguniang Bayan ang Local Shelter Plan, Investment Plan, Climate Change Plan, Comprehensive Development Plan at sa kasalukuyan ay binubuo na ang Comprehensive Land Use Plan and Zoning Ordinances. Ito ang mahalagang pangkabuuang plano para sa wasto at matalinong paggamit nang mga lupain na naaayon sa batas at mga ordinansang makatutulong para sa kaunlaran ng buong Bayan ng Arayat. Ang MPDO ang katuwang natin sa paggawa nang epektibong plano sa kabila ng nagbabagong mundo o Climate Change, planong makapagpapaunlad sa ating ginagamit at iniingatang yamang pantao at kalikasan, kasabay ng pag-unlad nang buong bayan kasama ang bawa’t mamamayan.

RESOLUSYON AT ORDINANSA

SANGGUNIANG BAYAN: Sa nakaraang taon, 43 ang naaprubahan na resolusyon at 2 ordinansa. Sa loob ng tatlong tao, 203 resolusyon at 30 ordinansa ang naaprubahan ng Sangguniang Bayan. Sa panahon lang po ng panunungkulan natin nangyari na ganito karami ang mga bagong batas o patakaran at ordinansa na naipasa. Iisa lamang po at napakaliwanag nang ibig sabihin nito – ang malaking PAGBABAGO SA PROGRAMANG “ING BAYUNG ARAYAT”.

Ito ang mga mahahalagang resolusyon at ordinansang naimungkahi, dinesisyunan pagkatapos ng maigting na mga deliberasyon, ipinasa at ipinatupad na naaayon sa batas ng lalawigan, rehiyon at pambansa.

MGA PROPOSED PROJECTS

 

Sa kasalukuyan, para sa susunod na tatlong taon ng aking panunungkulan, ang mga ito po ay iilan lamang sa aking pangarap na matupad sa inyong pakikiisa sa akin bilang inyong Municipal Mayor.

Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya, hahanap at gagawa ako ng paraan upang ang mga ito ay maisakatuparan para sa ikauunlad ng Bayan ng Arayat.

Katuwang ko din po ang aking buong pamilya at higit sa lahat ang aking Unang Ginang na walang iba kundi ang aking pinakamamahal at nag-iisang maybahay, Gng. Madeth Alejandrino:

  • Koordinasyon at Tulong mula sa Engineering para sa Landslide at Flood Control.
  • Konstruksiyon ng Cut-off Channel sa Brgy. Cupang.
  • Konstruksiyon ng Cut-off Channel Brgy. Candating.
  • Paglipat ng bagong tanggapan at pasilidad para sa Legislative, Municipal Trial Court, Bureau of Jail and Penology.
  • Konstruksiyon ng Gusali para sa mga Senior Citizens na nangangailang ng kalinga (home for the aged).
  • Konstruksiyon ng Pansamantalang Gusali para sa mga Nangangailang ilikas sa panahon ng may kalamidad o sakuna.
  • Pagbuo ng Municipal Drugs Force.
  • Pagpapanatili upang ang munisipalidad ay maging Smoke Free at malayo sa polusyon.
  • Istriktong batas at pamamaraan upang bumaba ang bilang ng krimen sa munisipalidad.
  • Implementasyon ng National Curfew Policy ni Pres. Duterte.
  • Paglalagay ng karagdagang streetlights.
  • Paglalagay ng karagdagang traffic lights sa kanto ng Brgy. Cacutud at Lacquios.
  • Paglalagay ng karagdagang CCTV sa bawat barangay.
  • Paglalagay ng mga karagdagang street safety signs.
  • Paglalagay ng mga footbridge o overpass sa Brgy. Cacutud at Brgy. San Agustin Norte para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at kaayusan ng trapiko.
  • Preparasyon sa Municipal Drainage Plan.
  • Bibili tayo ng lote para gawing Local Government Center ng Bayan ng Arayat.
  • Gawing Seedling Capital of Pampanga ang Bayan ng Arayat sa pamamagitan ng pagtatayo ng seedling nursery sa Brgy. San Juan Banio. Ito ay magbibigay ng karagdagang trabaho para sa mga taga-Arayat.
  • Gawing Seminar Capital of Pampanga ang Bayan ng Arayat at ang lumang administrative building sa Mt. Arayat National Park ay mapapasailalim sa rehabilitasyon upang ito ay magamit na seminar/training center. Ito rin ay magbibigay ng karagdagang trabaho para sa mga taumbayan.
  • Pagtatayo ng Hotel and Restaurant Building sa loob ng Mt. Arayat National Park at magdudulot ito ng karagdagang trabaho para sa mga mamamayan.
  • Bibili tayo ng lupa na pagtatayuan ng Municipal Cemetery bilang extension ng lumang sementeryo na sa kasalukuyan ay puno at masikip na.
  • Maglalagay tao ng economic zone para sa karagdagang empleyo at higit pang ikasusulong ng kabuhayan.
  • Kongkretong access road mula Brgy. San Juan Banyo patungo sa Lapaz Turo hanggang sa TIPLEX.
  • Higit na pagpapalawig sa cooperative movement sa Bayan ng Arayat.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s