Solid Waste Management

DSC_0059

Isa sa pinakamalaking problema na kinahaharap ng ating bansa ngayon ay ang pagdami ng basura sa ating paligid at alam natin na isa sa mga dahilan nito ay ang kapabayaan nating mga tao. Ang iba ay itinatapon na lamang kahit saan ang kanilang mga basura. Mula sa mga daanan, kalsada, mga kanal, maging sa dagat na nagdudulot ng pagdumi ng tubig at pagkamatay ng mga isda. Nagiging dahilan din ito ng malalang pagbaha.

Kaya upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari, dapat na gumawa tayo ng paraan para malutas ito. Maaaring makatulong ang pagiging responsible natin sa pagtatapon ng basura. May mga alternatibong paraan na pwede nating sundan upang mabawasan ang ating suliranin.

Mayroong mga ahensya sa ating pamahalaan ang gumagawa ng paraan upang makatulong sa pagbibigay solusyon sa lumalalang problema na ito. Ilan sa mga ito ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Education (DepEd). Ngayon naman ay nagbigay ng memorandum ang Department of Interior & Local Government (DILG), ukol sa tamang Solid Waste Management para sa lahat ng mga Local Government Units (LGU’s) sa buong bansa.

Bilang pagsunod dito, si Mayor Bon, katulong ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) na pinangungunahan ni Mr. Bong C. Parungao ay maglalaan ng isang set ng trash bins para sa bawat departamento ng munisipyo ng Arayat. Bawat set ay may tatlong trash bins. Ang una ay kulay berde (green) para sa nabubulok (BIODEGRADABLE), ang pangalawa ay kulay dilaw (yellow) para sa hindi nabubulok at maaaring gamiting muli (NON-BIODEGRADABLE/RECYCLABLE) at ang huli ay kulay pula (red) para naman sa nalalabing basura (RESIDUAL/SPECIAL WASTE) tulad ng mga sanitary napkins, diapers, green wastes atbp. Bawat trash bin ay may katumbas na garbage bag/plastic. Puti (white) para sa berdeng trash bin; Itim (black) para sa dilaw na trash bin; at asul (blue) para naman sa pulang trash bin.

Kahit maliit na hakbang pa lamang ang pagkakaroon ng mga ito, sana ay magkaroon tayo ng pagkukusa dahil hindi lamang marumi at mabahong paligid ang maaari nating maranasan, maging mga sakit ay pwede rin nating makuha. Maging responsible at matuto tayong pangalagaan ang ating kapaligiran. Tumulong tayo sa pagbabago.
BE THE CHANGE.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s