Panunumpa ng mga Naihalal na Opisyales ng Pampanga

DSC_0079
CITY OF SAN FERNANDO – Ika-30 ng Hunyo 2016, naganap sa Laus Group Even Center ang panunumpa ng lahat ng mga naihalal na opisyales ng Pampanga kasama narin sina Mayor Emmanuel Alejandrino, Vice Mayor Ramon Changcoco at ang mga opisyales ng Sangguniang Bayan ng Arayat na sina SB Marlon Balagtas, SB Ferdinand, SB Ronald Alejandrino, SB Zaldy Guevarra, SB Sixto Mallari, SB Nestor Changcoco, SB Elmer Hipolito at SB Pines Amurao Alejandrino Nagsimula ang program sa isang banal na misa na pinangunahan ni Most Rev. Paciano B. Aniceto, D.D. at pagkatapos ng misa ay pinangunahan naman ni Most Rev. Florentino G. Lavarias, D.D. ang Apostolic Blessing. Sinimulan ni Myrvi A. Fabia (Provincial Director, DILG) ang pormal na pagdiriwang sa isang pambungad na mensahe. Pinangunahan at pinangasiwaan ni Justice Ma. Theresa Dolores C. Gomez-Estoesta (Associate Justice, Sandiganbayan, Q.C.) ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ng Pampanga. Nagumpisa kay Gov.Lilia Pineda mula kay Vice Gov. Dennis Pineda, sa mga congressman, board members, mayors, vice mayors at mga sangguniang bayan.

Pagkatapos manumpa ng lahat ng mga naihalal na opisyales ay namahagi si Archbishop Lavarias ng isang mensahe para mga opisyales. Ang tiwala na binigay sa kanila ay katumbas ng pagmamahal dahil sila ang napili upang maglingkod sa bayan kaya dapat buong puso nilang ilaan ang kanilang ang oras at pagsisikap upang mapabuti ang kanilang bayan.

Ang huling parte ng programa ay ang Inaugural Address o ang State-of-the-Province Address ni Gov. Lilia Pineda kung saan binigyan niyang diin ang kahalagaan ng mga negosyo upang mapa-angat ang isang bayan.

Ayon kay Gov. Pineda, “ang pangangailangan ng mga local businesses ang magiging basehan natin sa pagbibigay prayoridad sa mga proyektong ating ipatutupad bukod pa sa kapakanan pangkalusugan at pang-edukasyon na ating ipinapatupad sa pamamagitan ng matapat at maayos na paggamit ng pondo ng pamahalaan”.

Ibinihagi rin niya ang kabuuan ng mga naging proyekto at mga natulungan niya sa simula ng kanyang pag-upo noong Hulyo 2010 hanggang Mayo 2016. Ang kabuuan na kinita ng lalawigan ay P11,888,000,731.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s