Mayor Emmanuel Alejandrino, Iniulat ang Kanyang SOMA at ang Simula ng Pagkakaisa Tungo sa Pag-unlad ng Bayan

DSC_0946 copy
ARAYAT, PAMPANGA – Ika-04 ng Hulyo 2016, naganap ang State of the Municipality Address o ang Ulat sa Bayan ni Mayor Emmanuel Alejandrino sa kanyang pangalawang termino kasama sina BHW President Madeth Alejandrino, Vice Mayor Monching Changcoco kasama ang mga naihalal na Sangguniang Bayan ng Arayat na sina SB Ronald Alejandrino, SB Marlon Balagtas, SB Ferdinand Kabigting, SB Nestor Changcoco, SB Sixto Mallari, SB Elmer Hipolito, SB Zaldy Guevarra at SB Pines Amurao Alejandrino kung saan dinaluhan ito ng mga mamamayan sa Multi-Purpose Hall ng Munisipalidad ng Arayat. Pinaunlakan naman ni 3rd District Board Member Jun Canlas ang Ulat sa Bayan ni Mayor Bon Alejandrino upang makapagbigay ng makabuluhang mensahe sa mga Arayateno.

Nagsimula ang programa sa isang banal na misa na pinangunahan ni Fr. Francis Mallari kung saan nagsimba na parang isang pamilya, ang mga opisyales at mga mamamayan ng Arayat, na may pagkakaisa at respeto sa bawat isa na simbolo na ng pag-unald ng bayan. Iniulat ni Mayor Bon mula sa simula ng kanyang pag-upo ang mga naisakatuparan at mga naging proyekto niya para sa bayan sa loob ng tatlong taon ng kanyang unang termino. At ngayon sa kanyang ikalawang termino ay asahan na mas pagbubutihin nina Mayor Bon at Vice Mayor Monching kasama ang Sangguniang Bayan sa pagpapatupad ng mga batas, sa paglilingkod sa bayan at sa mga proyekto para sa mas ikauunlad ng bayan ngunit hindi lahat ito magiging posible kung hindi natin sila susuportahan kaya naman tulong-tulong tayo sa tungo sa pagunlad ng bayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s