Sinimulan noong ika-04 ng Abril at natapos ng ika-19 ng Mayo 2016 ang dalawang bagong silid-aralan sa Anderson Elementary School. Ang silid-aralan ay maaring maglaman ng apatnapung (40) mag-aaral na ngayon ay ginagamit na ng mag-aaral ng ikalawang baitang (grade 2). Napagawa ang mga ito dahil sa walang sawang pagsuporta at pagtulong ng gobyerno, ng DepEd Pampanga at Region III. Ngayon na napagawa at nadagdagan na ang mga silid-aralan ay napunan na ang pangangailangan, hindi na magsisiksikan at mas magiging komportable ang mga mag-aaral.
Advertisements