Proudly Arayateño : Pvt. Venancio L. Kabigting (World War II Hero)

DSC_0012copy
Ayon sa kasaysayan, ang World War II ay ang pinaka bumago at pinaka tumatak sa kasaysayan hindi lang sa Pilipinas kundi rin sa buong mundo. Milyong-milyong buhay ang nabuwis para sa kalayaang inaasam. Isa sa mga dakilang tumulong upang makamit ang kasarinlan at naging parte ng World War II ay isang Arayateno na nagngangalang Pvt. Venancio L. Kabigting

Sinimulan ni Private Kabigting ang serbisyong militar bilang isang manganganyon (rifleman) ng PQOG (President Quezon’s Own Guerillas) noong 1945 Philippine Liberation Period.

Sa ilalim ng pamamahala ni Colonel Vicente Umali, ang PQOG ay naging kasangkapang at nakatulong sa paglaya ng Batangas at ibang karatig na probinsya . Ang kanilang pangkat ay naging matagumpay rin sa pagligtas ng mga bumagsak na Amerikanong manlilipad at sa pagbalik sa kanila ng ligtas sa US Military Force.

Ang kanyang naging kontribusyon sa Resistance movement (kilusan na laan sa paglaban upang makamit ang kalayaan ng bansa noong World War II) na naging parte sa isang makasaysayang kabanata ng Pilipinas.
At magsisilbing isang inspirasyon sa mga kabataan ng ngayong henerasyon, upang mahalin at paglingkuran
ang bayang sinilangan at upang ipaglaban ang kalayaan at kapayapaan.

Pinarangalan at kinilala siya bilang isang World War II Hero noong ika-10 ng Abril 2016 ng The Technical Committee for the 2016 Observance of Philippine Veterans Week and Commemoration of the 74th Araw ng Kagitingan sa Capas National Shrine Capas, Tarlac

Si Pvt. Venancio L. Kabigting ay tutungtong na sa edad na siyam napu’t anim (96) na taong gulang sa darating na ika-23 ng Agosto 2016.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s