MS Opinyon : Bakit nga ba madaming humahanga kay Mayor Bon?

13165897_1066524410052528_3459450187486481045_n

Bakit nga ba madaming humahanga kay Mayor Bon?
Isa na rito ay ang outstanding governance niya, kung paano niya binago ang bayan ng Arayat sa isang maayos, mapayapa at matagumpay na bayan. Makikita at mapapansin mo naman ito sa mga imprastraktura at mga proyektong nakikinabang at kapaki-pakinabang sa bayan. At sa mga natulungan niya kabilang na dito ang mga senior citizen, mga kabataan lalo ang mga estudyante at kahit sino pa na nangangailangan ng tulong ng isang alkalde dahil narin madaling lapitan at pakiusapan si Mayor Bon. Kung sa panlabas ay makikitang strikto at nakakatakot siya pero kung totoong kilala niyo siya, marahil ay kilala niyo na siya, ay may pusong mamon siya sa mga kababayan niya na masasabi mo talagang mahal niya ang mga Arayateno. Patunay na rito tuwing nagiging emosyonal siya sa mga kabataan na natulungan niyang makapagtapos dahil nakikita niya ang sarili niya sa pagsisikap sa kahit anu mang hirap ay may kapalit na magandang hinaharap.

Isa rin sa mga hinahangaan ng mga tao kay Mayor Bon ay ang pagkamababang-loob o ang pagiging humble niya na kahit siya ang alkalde ay hindi siya nagmamataas at hindi rin niya minamaliit ang mga tao sa halip ay tinuring niya itong mga kapamilya niya. Sa maikling salita, siya ay simpleng tao na nagpapaka ama sa mga Arayateno. Hindi katulad ng iba, maaga siyang gumigising at makikita mo siyang  kumakain ng lelot at kapag nakita ka niya ay babatiin at kung gusto mong magkwento sa kanya ay makikipagkwentuhan siya sa’yo na para bang magkakilala kayo.

Ang pagiging makakalikasan ni Mayor Bon ay isa rin sa mga katangian niya na nagustuhan ng mga tao sa kanya dahil pinapangalaagan niya ng wasto ang Bundok Arayat. Iyong siya mismo ang nagtatanim at hindi niya na kailangan umutos ng iba dahil gusto niya ang ginagawa niya, ang pangangalaga sa natatanging likas na yaman ng bayan ng Arayat, ang Bundok Arayat.

Ilan lang iyan sa mga katangian at kung bakit madaming tao ang iniidolo at hinahangaan si Mayor Bon.
Hindi madali ang naatas na tungkulin sa kanya ngunit nagagawa niya ito ng maayos dahil isinasapuso niya ang trabaho at responsibilidad niya sa bayan. Ginagawa niya itong pagkakataon upang mapalapit at mabigyan ng tulong ang bawat Arayateno. At dahil sa umaapaw na suporta at pagmamahal na natatanggap niya sa kanyang mga kababayan ay lalong nagpupursige siya upang mas mapaunlad ang bayan at upang mabigyan ng magandang buhay ang bawat isa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s