Mayor Bon, Pinangunahan ang Awarding ng Maria Sinukuan Scholarship Program (Grant-in-Aid)

DSC_0289cop
ARAYAT, PAMPANGA – Ika-23 ng Mayo 2016, naganap ang awarding sa unang batch ng mga scholar ng Maria Sinukuan Scholarship Program sa Multi-Purpose Hall ng Munisipalidad ng Arayat. Ito’y pinangunahan nina Mayor Emmanuel “Bon” Alejandrino at sina Vice Mayor Ramon “Monching” Changcoco, SB Marlon Balagtas, SB Ronald Alejandrino, SB Ferdinand Kabigting kasama rin sina BHW President Madeth Alejandrino at Rudy Caguiat. Mahigit kumulang na 139 na scholar (1st batch) ang nabigyan ng financial assistance o tulong para sa kanilang pag-aaral. Sila ay tumanggap ng tig limang libong piso. Mabibiyaan naman ng financial assistance ang mahigit kumulang 157 na scholar (2nd batch) sa darating na Hunyo 2016. Ang 85 ay tatanggap ng tig tatlong libong piso at ang 72 naman ay tatanggap ng tig limang piso. Mahigit kumulang na 296 ang kabuuan ng mga scholar na natulungan ng Maria Sinukuan Scholarship Program at ng Munisipalidad ng Arayat.

Ang Maria Sinukuan Scholarship Program ay binubuo ng Scholarship Committee sa pangunguna ni Ms. Luz S. Tañedo Chairman ng Screening and Evaluation Committee, Nikka Katrina De Leon, Keith Martin Tañedo, Randy Tungol, Jose Garcia at Screening at Evaluation Committee Members.

Nagbigay ng mensahe si Mayor Bon sa mga scholars at kanilang mga magulang, sa kanyang mensahe ay ipinaabot niya sa mga kabataan ang kahalagahan ng edukasyon, binigyang diin ng alkalde na kailangang unahin ng mga kabataan ang pag-aaral, ika nga nya “Nuong panahon namin walang tumutulong sa amin upang tustusan ang aming pag aaral, kaung mga kabataan ngayon ay swerte dahil may mga programa ang gobyerno na tumutulong sa mga kabataang nais makapagtapos ng pag aaral”. Sinabi din niya na huwag munang mag asawa sa halip ay ibaling ang atensyon sapag aaral. Ipinaliwanag din nya na ito ang tamang panahon upang pagsikapan nila ang makatapos ng pag-aaral upang pagdating ng panahon ay makatulong sila sa mga magulang nila, at upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang magiging pamilya. Ipinangako ni Mayor Bon na hangga’t siya ang namumuno sa bayang ito ay maaasahan nila ang tulong financial sa mga mag-aaral. Pinasalamatan din ni Mayor Bon ang mga bumubuo sa scholarship committee sa pangunguna ni Ms. Luz Tañedo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s