P95M Inilaan Para sa Pagpapagawa ng Dike sa Pampanga

ARAYAT, PAMPANGA – Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sisimulan ng gawin, kung saan mahigit kumulang na P95 million ang inilaan, sa Lunes ang nasirang dalawang bahagi ng tatlumpu’t-anim na kilometrong (36 kilometers) Arnedo Dike na sanhi ng malakas na alon at hagupit ng Bagyong Nona noong Disyembre.

Ayon kay Antonio Molano, DPWH Central Luzon director, P45 million ang gugulin ng ahensiya para pagpapagawa ng limampu’t walong metrong (58 meters) bahagi ng dike na gumuho sa Barangay Cupang. Habang 50 million naman ang nakalaan para sa isang-daang metrong (100 meters) bahaging nasira sa Barangay Santo Tomas sa kalapit na bayan ng San Luis.

Pinayuhan ni Molano ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tungkol sa mga “emergency projects” katulad nito, upang makakuha ng “exemptions” mula sa pagbabawal ng pagpapagawa ng mga imprastraktura na magkakabisa ngayong Pebrero dahil sa pagsisimula na ng pagkakampanya para sa darating eleksyon.

Ayon kay Gov. Lilia Pineda, ang lokal na pamahalaan ng Pampanga ay naglaan na ng P2.4 million para sa pinansyal na pangangailangan ng labingdalawang (12) pamilya na kailangan ng irelocate mula sa naguhong bahagi ng dike sa Cupang.

Sinabi rin niya sa mga opisyales ng DPWH, “If you won’t repair the Cupang portion as soon as possible, flooding will spread up to the City of San Fernando. The safety of our river bank communities is at stake.”

source: Philippine Daily Inquirer

DSC_0484COPY

3rd District Congressman Oca Rodriguez (yellow polo) with DPWH Central Luzon director Antonio Molano (checkered polo) habang pinag-uusapan nila ang pagpapagawa sa naguhong bahagi ng dike sa Purok 2 Brgy. Cupang, Arayat, Pampanga.  – PHOTO BY: Ally Almario

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s