Year Ender Special: Top 8 Highlights in One of Arayat’s Biggest Year

DSC_0739copy-horz-horz

1. Mayor Bon, Pinarangalan ng Most Outstanding Mayor Award 2015 in the Philippines Noong ika-25 ng Marso 2015, sa kauna-unahang pagkakataon isang mayor sa Arayat si Mayor Bon Alejandrino ang nakatanggap ng prestihiyosong parangal na Most Outstanding Mayor Awards 2015 in the Philippines. Isa ito sa pinakamalaking naaccomplish hindi lang ni Mayor Bon kundi rin ng Arayat dahil dito napatunayan kung gaano umangat ang bayan tungo pag-unlad at nakabilang ito sa mga matatagumpay na siyudad sa Pilipinas.

2. Binigyang Buhay Muli si Heneral Jose Alejandrino sa Makasaysayang Pelikulang Heneral Luna Noong Setyembre, Oktubre at Nobyembre 2015 ay ipinalabas ang Heneral Luna sa mga sinehan buong Pilipinas at umani ito ng papuri sa lahat ng mga nakapanuod at kabilang na mga opisyales ng Academy Awards/Oscars kaya naman ito ay nominado sa darating na Academy Awards/Oscars 2016. Hindi lang bilang Filipino kundi rin bilang Arayateno, tunay na maipagmamalaki ang makasayasayang pelikulakang ito dahil nabigyan rin ng buhay muli ang opisyal na bayani ng Arayat na si Heneral Jose Alejandrino.. Ang karakter ni Heneral Jose Alejandrino ay ginampanan ni Alvin Anson. Kapanig siya ni Heneral Luna o kasama sa kung tawagin nalang natin na “Luna Squad”. Nakasama niya si Heneral Luna sa pakikipaglaban para sa kasarinlan ng bayang sinilangan. Pinakita rin nila sa ilang parte ng pelikula ay ang bayan ng Arayat noon kung saan pumunta si Heneral Tomas Mascardo upang makipagfiesta. Nakakatuwang isipin at nakakapagmalaki na ang bayan at bayani ng Arayat na si Heneral Jose Alejandrino ay parte ng isang pelikulang nakakabuhay ng dugong nasyonalismo na tinangkilik ng bawat manonood hindi lang Filipino kundi rin mga kano.

3. Klea Pineda, Tubung Candating, Arayat, Tinanghal na Starstruck Ultimate Female Survivor Noong ika-19 ng Disyembre 2015, sa kauna-unahang pagkataon ay isang Arayatena ang tinanghal na kampeon sa artista search GMA 7 na Starstruck. Siya ay si Klea Pineda, tubung Candating,Arayat.

4. Noriza Mae Valerio Mutya Ning Arayat, Kinoronahan na Mutya Ning Kapampangan 2015 Noong ika-10 ng Disyembre 2015, sa kauna-unahang pagkataon kinoronahan ang isang Arayatena bilang Mutya Ning Kapampangan 2015. Siya ay si Noriza Mae Valerio ng Brgy. Guemasan

5. Bundok Arayat at Mga Magsasaka sa Arayat, Sinama sa ABS-CBN Christmas Station ID Noong ika-12 ng Nobyembre 2015, ipinalabas sa telebisyon ang opisyal na Christmas Station ID ng ABS-CBN na may tema na “Thank you for the love” at kung saan sinama ang Arayat at Bundok Arayat na talagang maipagmamalaki kapag napanood mo dahil sa angking kagandahan ng sariling atin. Sinama rin ang mga magsasaka sa Arayat kung saan tinulangan at pinasaya nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga kasama ng “Be My Lady” casts ang mga magsasaka. Maaring panuorin niyo ang nasabing video sa Youtube. Itype lang ito, ABS-CBN Christmas Station ID 2015 “Thank You For The Love

6. Mayor Bon Pinarangalan ng TALA Award sa Los Angeles, California USA Pinarangalan ng TALA Award si Mayor Bon Alejandrino sa Los Angeles, California USA ng mga opisyales ng Arayat Association of Southern California noong ika-14 ng Nobyembre 2015. Ito’y ginanap sa Philippine Village Eagle Rock Blvd. Los Angeles, California USA.

7. ABS-CBN Doble Kara Nagsimulang magtaping ang casts & crew ng teleserye kabilang sina Julia Montes, Mylene Dizon & Ariel Rivera noong Hulyo 2015 sa mga ilang lugar ng Arayat katulad ng Mt.Arayat National Park , Brgy. San Mateo, Tulay sa Barangay Camba, Brgy. San Juan Bano at hospital sa Brgy. Lacquios. At noong ika-24 ng Agosto 2015, sa kaunaha-unahang pagkakataon ay naitampok sa telebisyon bilang lokasyon ng teleserye sa ABS-CBN na Doble Kara

8. GMA 7 Eat Bulaga Juan For All, All For Juan (Brgy. Cupang – January 06, 2015) (Brgy. Cacutud – February 09, 2015) Hindi lang minsan kundi dalawang beses na binisita, pinasaya at namahagi ng biyaya ang Eat Bulaga Juan For All, All For Juan sa mga Arayateno ng Brgy. Cupang at Brgy. Cacutud.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s