Noriza Mae Valerio, Kauna-unahang Arayatena, Kinoronahan na Mutya Ning Kapampangan 2015

DSC_0344 copy copy

CITY OF SAN FERNANDO – Ika-10 ng Disyembre 2015, naganap ang koronasyon ng Mutya Ning Kapampangan 2015 sa Bren Z. Guiao Convention Center kung saan dalawampu’t dalawang magagandang kababaihan ang naglaban para sa titulo. Napuno ng hiwayan ang convention center sa mga kabarangay, kaibigan at pamilya ng bawat kandidata. Nagsimula ang programa sa isang pambungad na mensahe ni Board Member Rosve Henson, Mutya Ning Kapampangan 2015 Chairperson, at ipinakilala ang pangunahing pandangal na si Sen. Miguel “Migz” Zubiri kasama si Gov. Lilia Pineda.

Sinimulan sa isang opening number ng mga kandidata na may suot-suot na makukulay na damit at nagpakilala ang bawat isa. Tunay na umangat ang kagandahan ng pambato ng Arayat na si Noriza Mae Valerio ng Brgy. Guemasan. Lalo pang nangibabaw ang gandang Arayatena sa mga sumunod na parte ng patimpalak, ang filipiniana at swimwear portion. Mapapansin sa bawat anggulo ang hawig ni Valerio kay Angel Locsin. At sa evening gown portion naman ay simple ngunit napakagandang inirepresenta at inilakad ni Valerio ang kanyang suot-suot na gown at kaya naman siya ang nanalo ng best in evening gown.

Bago inanunsyo ang top 5 ay hinarana muna ng pambansang bae na si Alden Richards ang mga Kapampangan na talagang naghiyawan at kumilig hindi lang minsan kundi dalawang beses. Una siyang tinawag ng inanunsyo na ang makakapasok sa top 5 kung saan ang susunod ay ang q & a portion ang makakapagpatunay ng talino ng mga bawat kandidata. Ang naging tanong ay “how will you promote and preserve our Kapampangan language?” At ang sinagot ni Valerio ay “Our Kapampangan language or the Amanung Sisuan is the soul of our province, it is our identity, we work hard and strive hard for excellence. What I can do to preserve our Amanung Sisuan is to start it within myself. To be an epitome of a person who shows the values and virtues of being a Kapampangan and that Kapampangan will always be blessed and they are the people who will start to motivate others. Thank you.” Siya ang unang sumagot kaya napahinga muna siya sa tensyon at ang mga sumusuportang Arayateno sa kanya. Pagkatapos sumagot ng ibang apat na kandidata ay inanunsyo na ang mga nanalo. Ang 4th runner-up ay ang Mutya Ning Mabalacat City, 3rd runnerup Mutya Ning City of San Fernando, 2nd runner-up Mutya Ning Angeles City, at noong dalawa na lang sila ay maririnig mo na naghihiwayan na ang mga Arayateno at sumisigaw ng Arayat. At iyon na nga inanunsyo na ang Arayat ang nanalo at nakuha ang titulo ng Mutya Ning Kapampangan 2015 at ang 1st runner-up ay ang Mutya Ning Bacolor.

DSC_0354 copy copy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s