Sino kaya ang tatanghalin na kampeon ngayong season ng Mayor’s Cup? Team San Nicolas o Team Candating?

Kung consistency sa panalo at swerte ang pag-uusapan, Team San Nicolas na iyan. Mula simula ng patimpalak ay wala pang talo at puro panalo ang Team San Nicolas hanggang sila’y makarating ng championship. At maswerte sila dahil ilang pagkakataon na natambakan sila hanggang 4th quarter ngunit sa huling minuto ay sila parin ang nanalo. Hindi lang swerte ang nagpapanalo sa kanila kundi ito’y dahil rin sa mga magagaling na manlalaro nila tulad ni Mesina na nakaka 3 point-shoot, Sigua, Brizo, Venzon at halos ng kanilang manlalaro ay nakakapuntos rin. Nakagawa na rin sila ng record sa kasaysayan ng Mayor’s Cup na walong talo at lalo na tatatak ang kanilang team sa kasaysayan ng Mayor’s Cup kung sila ang tatanghaling kampeon ngayong taon.

Kung naghihiyawan na fans at sipag ang pag-uusapan, Team Candating na iyan. Hindi sila isa sa mga team na nanguna sa elimination round at hindi man sila pumasok sa semi-finals last season ng Mayor’s Cup ngunit dahil sa pagsisikap, tiyaga, mga naghihiyawan na taga suporta at sipag sa paglalaro ay naisalba nila ang kanilang team at nakapasok sila ng semi-finals. At ng makapasok sila ng semi-finals ay doon mas lalong maraming nakapansin sa kanilang galing. Napansin nila ang mga magagaling na manlalaro tulad ni Mariano, Malang, Mesa, Hipolito at halos lahat rin ng kanilang manlalaro ay nakakapuntos rin. Kung sila ang tatanghalin na kampeon ngayong season ng Mayor’s Cup ay lalong maraming hahanga sa kanilang angkin galing at sipag sa paglalaro at matutumbasan ang lahat ng kanilang pagsisikap.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s