2nd Semester Awarding of Maria Sinukuan Scholarship Program (Grant-in-aid)

DSC_0715

by: Nikka Katrina Alejandrino

ARAYAT, PAMPANGA – Noong ika-27 ng Oktubre, ika-10 ng umaga sa Multi-Purpose hall ng Munisipalidad ng Arayat ay isinagawa ang ika-apat na pamamahagi ng financial assistance sa mga kabataan ng Arayat, sa pangunguna ni Hon. Mayor Emmanuel “Bon” Alejandrino, Vice Mayor Ramon “Monching” Changcoco, at sa tulong ng  Scholarship Committee sa pangunguna ni Ms. Luz S. Tañedo Chairman ng Screening and Evaluation Committee at Jas Ramos, Nikka Katrina De Leon, Keith Martin Tañedo, Randy Tungol, Alyssa Toloza, Princes Emma-Marie Miranda, Jose Garcia, Nemencio Teodoro at Ally Almario Screening at Evaluation Committee Members. Nag umpisa ang programa sa panalangin na pinangunahan ni Ms. Luz Tañedo, at pagkatapos ay nagbigay ng Inspirational message ang butihing may bahay ng ating alkalde, Mrs. Madeth Alejandrino (BHW President), sa kanyang mensahe: “ikaung kaynakan ing pag-asa ning balen, datang ing panahon etamu balu metung kekau ing mag serbisyu at maging lider ning kekatamung balen. Sana maging inspirasyun kekayung kayanakan ing abibye ng saup kekayu ning kekatamung Mayor. Sa kanyang mensahe binigyang diin niya ang kahalagahan ng edukasyon at pag-aaral ng mabuti para sa kanilang magandang kinabukasan”.

Pagkatapos ay nagbigay naman ng mensahe si VM Monching, sa kanyang mensahe ay ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng edukasyon at ang sakripisyo ng mga magulang upang sila ay mapagtapos sa pag-aaral.

Nagbigay naman ng panghuling mensahe si Mayor Bon sa mga scholars at kanilang mga magulang, sa kanyang mensahe ay ipinaabot niya sa mga kabataan ang kahalagahan ng edukasyon, binigyang diin ng alkalde na kailangang unahin ng mga kabataan ang pag-aaral, ika nga nya “Nuong panahon namin walang tumutulong sa amin upang tustusan ang aming pag aaral, kaung mga kabataan ngayon ay swerte dahil may mga programa ang gobyerno na tumutulong sa mga kabataang nais makapagtapos ng pag aaral”. Sinabi din niya na huwag munang mag asawa sa halip ay ibaling ang atensyon sapag aaral. Ipinaliwanag din nya na ito ang tamang panahon upang pagsikapan nila ang makatapos ng pag-aaral upang pagdating ng panahon ay makatulong sila sa mga magulang nila, at upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang magiging pamilya. Ipinangako ni Mayor Bon na hangga’t siya ang namumuno sa bayang ito ay maaasahan nila ang tulong financial sa mga mag-aaral. Pinasalamatan din ni Mayor Bon ang mga bumubuo sa scholarship committee sa pangunguna ni Ms. Luz Tañedo.

Pagkatapos ng mensahe ni Mayor Bon ay ipinamahagi sa 211 na estudyante ang financial assistance na Php 5,000 sa mga unang 74 na estudyante at Php 3,000 sa 137 na estudyante, sa pangungunana ni Mayor Bon Alejandrino at kanyang butihing may bahay na si Mrs. Madeth Alejandrino, VM Monching Changcoco at kanilang mga panauhin na sina Konsehal Ronald “Dong” Alejandrino, Konsehal Marlon Balagtas, Melania “Mila” De Asis, Chona Oronce Abad, Jesus “Jess” Garcia, Ferdinand “Doc K” Kabigting, Lito Batac, at Danilo “Dan” Dizon. Matapos ma ipamigay ang financial assistance ay nagkaroon ng picture-taking ang mga scholars kasama sina Mayor Bon Alejandrino, VM Monching Changcoco at kanilang mga panauhin. Ang tema ng programa ay “Edukasyun para kareng kayanakan ning bayung Arayat” na ang layunin ay upang mabigyan ng financial assistance ang mga mag-aaral na kulang sa pinansyal na aspeto ngunit nagnanais na makatapos ng kanilang pag-aaral.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s