Mayor Bon, Kasama Ang Mga Opisyales ng Bayan, Nagbayanihan sa Pagtulong sa Mga Kababayang Naapektuhan ng Bagyong Lando

DSC_0452

ARAYAT, PAMPANGA – Noong ika-19 ng Oktubre 2015, ginimbal ng napakalakas na Bagyong Lando (signal no. 02) ang bayan ng Arayat. Dahil sa sobrang lakas ng bagsak ng ulan ay umapaw ang Pampanga River at ito’y nagdulot ng mataas na baha sa mga sumusunod na barangay :

Barangay Candating (6ft)
Barangay San Juan Bano (landslide)
Barangay Sto.Nino Tabuan Purok 1,2,3 (2ft)
Barangay Cacutud Purok 4 (2ft)
Barangay Paralaya (Dike, Purok 3,4) (2ft)
Barangay Cupang Dike
Barangay Matamo Dike (2-3 ft)
Barangay Mapalad
Barangay San Mateo Purok 2,3,4,6 (4-5 ft)
Barangay Mesulo (2 ft)
Barangay Guemasan (1-2 ft)

At dahil sa patuloy na pagtutulungan at bayanihan, nina Mayor Bon Alejandrino, Vice Mayor Monching Changcoco, BHW Chairwoman Madeth Alejandrino, SB Ronald Alejandrino, SB Marlon Balagtas, SB Rodolfo Caguiat kasama ng mga opisyales ng MDRRMO at ng partidong Bayung Arayat, para sa relief at rescue operation sa mga naapektuhang pamilya ay ligtas at nabigyan ng sapat na tulong ang mga sumusunod na barangay:

San Mateo (1450 families) (5800 persons)
Candating (1101 families) (4700 persons)
Cupang (81 families) (433 persons)
Matamo (351 families) (1788 persons)
Guemasan (80 families) (320 persons)
San Agustin Sur (11 families) (40 persons)
Paralaya (33 families) (130 persons)

Pumunta rin ang Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na pinangungunahan ni PDRRMC Chairperson, Hon. Lilia G. Pineda kasama si Vice Chairperson VG Dennis Pineda, PDRRMO Angie Blanco, PS/Supt. Rodolfo S. Recomono, Jr., Engr. Arthur Punsalan, DILG PD Myrvi Fabia at mga lokal na opisyales upang maginspeksyon sa mga munisipalidad na may mga barangay na malubha ang kalagayan at pinalilibutan ng

Pampanga River upang makita na rin ang tumataas na tubig dahil sa umaagos na malakas na tubig sa Nueva Ecija.
At noong ika-21 ng Oktubre 2015, bumisita muli sa Arayat si Vice President Jejomar Binay upang tignan ang kalagayan ng mga naapektuhan ng Bagyong Lando. Kung maalala, pumunta noong Oktubre 2013 ay bumisita rin siya upang maginspeksyon sa naganap na landslide sa San Juan Bano.

At ngayon ay paunti-paunti ng bumababa na ang baha sa mga barangay na naapektuhan ng bagyo. Napatunayan lang nito na kung magbabayanihan at magtutulungan ang bawat isa ay meron itong magandang kahahantungan. At sa oras ng sakuna at pangangailangan ay alam na kung sino ang maasahan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s