Madidepensahan ba ng Team San Agustin Norte ang Kanilang Mayor’s Cup Title? At anu-anong mga team ang may malalakas na manlalaro?

DSC_0991

Ngayong nagaganap na ang elimination round ng bawat team para sa Mayor’s Cup III sa Glorieta, mapapanood at makikita muna kung anong team ang nangunguna at ang mga nagbibigay ng magandang laban bawat match kung saan napapatayo at napapasigaw ang mga manonood. Ilan sa mga team na nangunguna ay ang Team San Nicolas, Team Cacutud, Team San Agustin Norte, Team Candating, Team Poblacion, Team Mapalad, Team Batasan, Team San Juan Bano at Team Lacmit.

Pero ang isa sa mga pinakainaabangan na team ay ang Team San Agustin Norte dahil sila ang nagkampeon noong Mayor’s Cup Season II at sila ang may hawak ng titulo. Ngunit ngayong season, sila pa ba ang magkakampeon at maguuwi ng titulo? Base sa mga naging laban nila ngayong elimination round, maari sila muling makapasok sa championship dahil nandyan pa rin ang kanilang Big 3 na sina Lazaro, David at ang last season MVP na si Villegas. Ngunit sa laban nila sa Team Lacquios biglang nanghina at parang minalas ang kanilang team dahil halos hindi pumpasok ang kanilang shoot at natambakan sila kaya natalo ang kanilang team. Kung magpapatuloy ito, maari silang malaglag sa standing pero kung makakabawi at manunumbalik muli ang kanilang lakas ay makakapasok sila sa susunod na round.

Sa mga ibang team na nangunguna mayroon rin silang mga pambatong manlalaro na pumupuntos per puntos. Sa Team Nicolas ang pambato nila sina Sigua, Brizo, at Mesina, sa Team Cacutud ay sina San Juan at Abad, sa Team Poblacion ay sina Manalili at Castro. At sa ika-26 ng Oktubre 2015 ay magtatapos na ang elimination at magkakalamanan na kung sino ang papasok sa susunod na round. Lalong magiging kapanapanabik ang labanan sa susunod na round dahil dito na magsasalpukan ang mga magagaling na koponan.

One thought on “Madidepensahan ba ng Team San Agustin Norte ang Kanilang Mayor’s Cup Title? At anu-anong mga team ang may malalakas na manlalaro?

  1. N miss ko si idol villegas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s