Binigyang Buhay Muli si Heneral Jose Alejandrino (Bayani ng Arayat), sa Makasaysayang Pelikulang Heneral Luna

CNpSIzQUwAAyfXn

Una sa lahat, ang Heneral Luna ay isang napakagaling na pelikula kung saan ito’y karapat-dapat na mapanood ng bawat Filipino lalo na ang mga may malasakit sa bayang sinilangan. Ito na ang pinaka maipagmamalaking pelikula ng mga Filipino at ito ay ang magsisilbing “landmark of Philippine Cinema”. Ito’y kakaiba at hindi katulad ng mga ibang historical films, kakaiba na maganda na nakakatuwa, nakakamulat ng kaisipan at ang teknolohiyang ginamit sa cinematography ay panghollywood parang nanood ka narin ng war film na “Fury” ni Brad Pitt. At kaya nominado at ito ang opisyal na pelikulang irerepresenta ng Pilipinas para sa kategoryang “Best Foreign Language Film” sa darating na Academy Awards / Oscars 2016.

Ito’y talagang pinag-uusapan dahil sa perspektibo at paraan ng pagkakwento ng kasaysayan sa nasabing pelikula. “Political conspiracy and injustice”, iyan ang umiiral noong panahon at saksi ang lahat na ganito parin ang umiiral ngayong panahon kaya “history does not repeat itself, it is we who repeat it”. Sabi nga sa isang linya ni Heneral Luna, “Kung panaginip lamang ang umasa sa pag-unlad, managinip tayo hanggang kamatayan”.

Hindi lang bilang Filipino kundi rin bilang Arayateno, tunay na maipagmamalaki ang makasayasayang pelikulakang ito dahil nabigyan rin ng buhay muli ang bayani ng Arayat na si Heneral Jose Alejandrino.. Ang karakter ni Heneral Jose Alejandrino ay ginampanan ni Alvin Anson. Kapanig siya ni Heneral Luna o kasama sa kung tawagin nalang natin na “Luna Squad”. Nakasama niya si Heneral Luna sa pakikipaglaban para sa kasarinlan ng bayang sinilangan.

Magkapareho sila ng pananaw at paninindigan para sa kalayaan ng inang bayan. Isa siya sa mga tumulong upang mapabuti at parte na siya ng kasaysayan na humubog sa kung ano bayan natin ngayon.

Pinakita rin nila sa ilang parte ng pelikula ay ang bayan ng Arayat noon kung saan pumunta si Heneral Tomas Mascardo upang makipagfiesta. Nakakatuwang isipin at nakakapagmalaki na ang bayan at bayani ng Arayat na si Heneral Jose Alejandrino ay parte ng isang pelikulang nakakabuhay ng dugong nasyonalismo na tinangkilik ng bawat manonood hindi lang Filipino kundi rin mga kano.

heneral-luna1Luna20150928

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s