Mensahe ni Mayor Bon sa Mga Kabataan, Piliin ang Lider na ang Pangakong Pagseserbisyo sa Bayan ay Hindi Napapako

DSC_0441kkjkj

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-26 ng Setyembre 2015, isa sa mga masasabing “highlights” ng pagbubukas ng Mayor’s Cup Season III ay ang mensahe ni Mayor Bon Alejandrino hindi lang sa mga manlalaro kundi rin sa mga kabataan na nanonood na talagang mapapahinto at makikinig ka.

Sa unang parte ay sinabi ni Mayor Bon na kasaysayan ang kanilang ginagawa at ang bawat araw ay kasaysayan rin kaya dapat ay pagbutihin ang serbisyo para sa kinabukasan ng bayan. Pinakilig rin ni Mayor Bon ang mga manonood dahil binanggit niya ang kanyang butihing asawa, si BHW Chairwoman Madeth Alejandrino, at sinabi na sa likod ng bawat tagumpay ng isang lalake ay ang walang sawang pagsuporta ng kanyang asawa kaya pinasalamatan niya ito.

Sa pangalawang parte ng kanyang mensahe ay sinabi ni Mayor Bon na nasa kanila, sa mga kabataan, ang may hawak ng kinabukasan ng bayan dahil sila ang pumipili sa mga lider. Nabalitaan niya rin daw na meron nagnanais na ibalik ang muli ang kadiliman sa bayan at kaya naman tinanong ni Mayor Bon ang mga manlalaro at mga kabataan kung pipiliin pa ba nilang maibalik ang dilim o ang liwanag at ipagpapatuloy ang tuwid na daan tungo sa tagumpay ng bayan. Pinaalalahanan rin ni Mayor Bon ang kahalagahan ng Mayor’s Cup dahil nabibigyan ang kabataan na maipakita ang kanilang galing sa pagbabasketball at naiiwas sila sa ilegal na droga.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s