Filipinong Arayateña, Nagwagi ng 1st Runner-up sa Mr. & Miss Philippines Italy 2015

11220867_983754631677807_5764232951741750779_n

MILAN, ITALY – Ika-20 ng Setyembre 2015, naganap ang prestihiyosong patimpalak na Mr. & Miss Philippines Italy 2015 sa Teatro Carcano, Corso di Porta Romana 63, Milan, Italy. At kung saan ay isang Filipinong Arayatena, na si Kiaralaine Trinidad Pangan, ang nagwagi ng 1st runner-up sa nasabing patimpalak. Siya rin ay naghakot ng mga special awards tulad ng Miss Photogenic, Miss LBC Italy, Best in Casual Wear at Miss Darling of the Crowd. Isa pang nagpanalo sa kanya ay ang kanyang sagot sa question & answer portion. May ipinakita silang larawan sa screen at ipinaliwanag niya sa kanyang interpretasyon ang ibig sabihin nito, at ito ay ang kanyang sinabi: “Tulad ng sinabi ni Gat Jose Rizal, ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan kaya naniniwala ako na tayong mga kabataan ay ang magiging instrumento upang mas mapaunlad natin ang bayan kaya hinihingi ko ang tulong ng aming mga magulang na hubugin ang kabataan sa kabutihan, talino, sipag at tiyaga at ang bunga nito ay ang pagsibol ng buhay hindi lang para sa ating mga pamilya kundi narin sa ating bayan. Iyon lamang po at maraming salamat.” Pagkatapos niyang sumagot ay may nagtranslate ng Italiano sa kanyang sagot upang maintindihan ito ng mabuti ng mga huradong Italiano.

Tunay ngang nangingibabaw ang talino, galing at gandang Arayateno saan man sulok ng mundo kaya tunay rin na maipagmamalaki ang tulad ni Kiaralaine Trinidad Pangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s