Ang Pagbubukas ng Mayor’s Cup Season III Inter-Barangay Basketball Tournament

DSC_0374

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-26 ng Setyembre 2015, Sabado, naganap ang pagbubukas ng Mayor’s Cup Season III Inter-Barangay Basketball Tournament sa Glorietta Covered Court. Ito’y nilahukan ng tatlumpung (30) barangay kasama ang mga manlalaro at mutya ng bawat barangay suot-suot ang makukulay na uniporme kung saan ito’y pinondohan ni Mayor Bon Alejandrino at ng Munisipalidad ng Arayat para sa mga kabataan na maglalaro. Ang Mayor’s Cup ay pinangangasiwaan ni Mr. Jun Dizon (Sports Chairman).

Bago nagsimula ang programa ay nagkaroon mun ng isang parada na pinangunahan ng A.I. Drum & Bugle Lyre kasama ang tatlumpung (30) teams at mutya kasama ang mga coach, kapitan at mga opisyales ng bawat barangay kung saan ito’y nagsimula mula muna sa Munisipalidad ng Arayat, kung saan nagpulong ang bawat team, hanggang dumiretso sa pamilihang bayan papunta sa Glorietta Covered Court. Sinimulan sa isang panalangin ni Rev. Fr. Joseph Hernandez, pagkatapos ng parada, ang pagsisimula ng programa. Pinangunahan naman ni BHW Chairwoman Madeth Alejandrino ang panimulang pagbati at pagbibigay ng mensahe.

Pagkatapos ay pinangunahan naman ni Vice Mayor Monching Changcoco ang pambungad na mensahe sa mga manlalaro. Ipinaliwanag ni Vice Mayor Monching sa kanyang mensahe sa mga manlalaro ang kahalagahan ng paglalaro sa larangan ng basketball at kung may pagpupursige ka upang lalong maging magaling ay may patutunguhan ka at makakatulong ito sa iyong pag-aaral at sa pagtupad ng iyong pangarap. Nagbigay rin siya ng halimbawa ng mga ehemplo sa kanyang mensahe at kabilang dito ang mga Arayatenong manlalaro sa larangan ng basketball na nagbigay karangalan sa bayan. At sa huling parte ng kanyang mensahe ay napasaya niya ang mga tao sa kanyang pick-up line na: “Basketball ka ba? Bakit? Kasi napadribble mo ang puso ko”

Pagkatapos magbigay ng isang makabuluhang mensahe si Vice Mayor Monching ay nagbigay naman ng isang maikling mensahe sa manlalaro si SB Marlon Balagtas. Kasunod nito ay ang mensahe ni Mayor Bon Alejandrino sa mga manlalaro na magpapatunay na isa siyang lider na may puso para sa lahat at isip para sa ikakatagumpay ng bayan. Nakahabol naman sa programa si Baliuag Bulacan District Engr. James Dellosa. Nagkaroon naman ng intermission number pagkatapos ng mga mensahe na pinangunahan nina Kim Alejandrino, Melangela Tanaka, Miyuki Tanaka at Jelain Baretto. Pagkatapos ng intermission number ay umakyat sa entablado ang bawat team at ipinakilala. Pinangunahan naman ni SB Ronald Alejandrino ang pagbibigay parangal sa “Best Uniform” at ang nanalo ay ang Team Gatiawin, ang pangalawa naman ay ang Team Guemasan at ang pangatlo ay ang Team Lacquios. Pinangunahan naman ni Edward Villegas (Mayor’s Cup 2014 MVP) ang Oath of Sportsmanshippagkatapos ay ang Ceremonial Tossing of The Ball na pinangunahan naman nina Mayor Bon Alejandrino, BHW Chairwoman Madeth Alejandrino at Baliuag Bulacan District Engr. James Dellosa at kasunod nito ay pagdideklara ng pagbubukas ng tournament na pinangunahan ni Mr. Jun Dizon (Sports Chairman).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s