Gov. Lilia Pineda, Pinangaralan ang mga Upland Farmers sa Arayat na Itigil na Ang Mapanirang Paraan ng Pagsasaka

DSC_0767

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-27 ng Agosto 2015, nagkaroon ng isang pagpupulong para sa mahigit kumulang na 400 upland farmers na pinangunahan nina Gov. Lilia Pineda, 3rd District Board Member Rosve Henson, Mayor Bon Alejandrino, Vice Mayor Monching Changcoco, PSWDO Elizabeth Baybayan at ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Angelina Blanco sa Pavilon ng Mt. Arayat National Park. Pinangaralan ni Gov. Pineda ang mga upland famers na itigil na ang mapanirang paraan ng pagsasaka dahil ayon sa nalaman niya ay pinuputol at sinusunog ang mga puno pagkatapos ay ginagawang bukiran ang ilang parte ng bundok.

Sinabi ni Gov. Pineda na nag-aalala siya sa sitwasyon at gusto niyang magkaroon ng inspeksyon at pag-aaral sa totoong sitwasyon ng nasabing parte ng bundok upang makapag-ukol ng pondo ang lokal na pamahalaan kung kinakailangan at para makahingi ng tulong sa nasyonal na pamahalaan upang mapanumbalik ang kaluwalhatian ng Bundok Arayat.

Pinaplano ni Gov. Pineda na ipulong ulit ang mga upland farmers kasama ng ibang responsableng ahensya ng gobyerno sa nasabing paksa. Ito’y para ipaalam ang sitwasyon ng Bundok Arayat at turuan sila sa pagpepreserba ng mga protected areas ng bundok.

Nagbigay rin si PDRRMO Angelina Blanco ng mga farmer tips upang makaiwas at maging handa sa maaring pagkakaroon ulit ng landslide sa bundok.
Pinaalalahanan naman ni Henson ang mga upland farmers na ang mga mapanirang paraan ng pagsasaka sa Bundok Arayat ay maaring magdulot ng pagguho ng lupa hanggang magdulot ito ng landslide. Kaya hinihigkayat niya ang mga upland farmers na tumulong sa pagpapalago ng bundok kung saan ito’y magbibigay sa kanila ng benipisyo sa halip na ito’y sirain lang. Ayon kay Henson, sinisigurado niya ang pagtulong, sa mga upland farmers at mga pamilya nila, ng lokal na pamahalaan upang mabigyan sila bagong pagkukunan ng kabuhayan.

Pinangako ni Gov. Lilia Pineda na bibigyan niya ang mga upland farmers ng alternatibong pagkukunan ng kabuhayan upang hindi sila magdepende sa nakakasirang paraan ng pagsasaka sa bundok. Nagkaroon rin ng pamamahagi ng mga food packs sa mga upland farmers.

Nagpapasalamat sina Mayor Bon Alejandrino at Vice Mayor Monching Changcoco sa suportang binbigay ni Gov. Pineda sa mga upland farmers ng Arayat.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s