Ang Pagdiriwang ng Ika – 425 na Taon ng Parokya ng Santa Catalina de Alejandria

DSC_0869
ARAYAT, PAMPANGA – Ika-29 ng Agosto 2015, naganap ang ika – 425 na taong anibersaryo ng parokya ng Santa Catalina de Alejandria. Nagsimula ng umaga ang pagdiriwang sa isang motorcade ni Apung Tali kasama ang iba’t-ibang patron ng mga barangay. At kung saan nilibot mula sa simbahan hanggang halos sa lahat ng barangay ( Mesulo, San Nicolas, Poblacion, Guemasan, Plazang Luma, Paralaya, San Agustin Sur, San Agustin Norte, Matamo, Cupang, San Juan Bano, Lacquios ) ang mga patron kasama sina Vice Mayor Monching Changcoco, mga opisyales ng simbahan at mga barangay, mga traffic enforcer at Arayat Bikers Club.

Nagpatuloy ang pagdiriwang ng anibersaryo sa isang video presentation ng kasaysayan ng Parokya ng Santa Catalina de Alejandria at pagkatapos ay nagkaroon ng Veneration (Ing Pamag-uma king relikiya ng Santa Catalina de Alejandria). At pagsapit ng alas-singko ng hapon ay naganap ang “concelebrated mass” kung saan ito ay taos-pusong kagalakan na pinangunahan ni Most Reverent Archbishop Florantino Lavarias kasama sina Rev. Father Joseph Hernandez at mga iba’t-bang pari sa Arayat. Ang naging homily ay ang pagkakaroon ng malinis na kalooban at ito’y hindi nakukuha at nakikita sa panlabas na anyo kundi ito’y nagsisimula sa puso ng bawat tao kaya sa halip na husgahan ang isang tao ay pahalagahan muna ang kanyang pagkatao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s