Baby Lucky (100 Millionth Symbolic Baby) ng Arayat, Ipinagdiwang ang Unang Kaarawan

DSC_0078 copy

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-27 ng Hulyo 2015, naganap ang unang kaarawan ng isa sa mga 100 millionth symbolic baby sa Central Luzon na si Baby Lucky Jayve. Ang Commission on Population 3 (POPCOM3) at ang mga kasangay nitong ahensya ang nanguna sa selebrasyon ng unang kaarawan ng lahat ng mga 100 millionth baby sa buong kapuluan. Kabilang na dito ang Pampanga, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.

Ayon kay POPCOM regional director na si Eleanor Cura, “Each symbolic baby will receive a gift pack and cash from POPCOM Region III amounting to ten thousand pesos along with assistance provided by POPCOM’s partner agencies”.

Hinihimok rin ni Cura sa mga magulang ang wastong nutrisyon, kumpletong immunization at health care. Kabilang narin dito ang membership sa Conditional Cash Transfer (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) at iba pang pangkabuhayang tulong para sa mga magulang ay kinakailangan upang maitawid ang tamang kalusugan ng bata. Ayon kay Cura,kabilang sa mga ahensya na tutulong sa mga 100 millionth symbolic babies ay ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, National Nutrition Council at Philippine Health Insurance Corporation.

Ang mga napiling walong 100 millionth pinoy babies ay base sa 2010 National Census ng Philippine Statistics Authority noong umabot ang Pilipinas sa 100-million population projection noong Hulyo 27, 2014 sa ganap na 12:06 am.

Ang selebrasyon naman dito sa Arayat ng 100 millionth symbolic baby na si Baby Jayve ay dinaluhan at pinangunahan nina Mayor Bon Alejandrino, Vice Mayor Monching Changcoco, SB Ronald Alejandrino, SB RodolfoCaguiat, Dr. Paul Austria, MSWO ElisaTandoc, mga barangay kapitan at iba pang sumusuporta kabilang na dito ang pamilya niBaby Lucky.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s