Ulat sa Bayan ni Mayor Bon Alejandrino sa Ikalawang Taon ng Bagong Arayat

DSC_0341

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-03 ng Hulyo 2015, naganap ang Ulat sa Bayan ni Mayor Bon Alejandrino para sa kanyang ikalawang taon ng paglilingkod sa bayan na ginanap sa Munisipalidad ng Arayat. Ang naging pangunahaning pandangal ay si Congressman Oca Rodriguez na nagbigay ng isang makabuluhang mensahe para kay Mayor Bon at para sa bayan. Ito’y pinangunahan rin nina Vice Mayor Monching Changcoco, Madeth Alejandrino, Marissa Samson, SB Ronald Alejandrino, SB Marlon Balagtas, SB Jeff Luriz, SB Rudy Caguiat at kasama rin sa nakihabahagi ay ang mga opisyales ng iba’t-ibang sektor tulad ng mga guro at principal, mga barangay kapitan at kagawad, barangay health workers at ibang lokal na opisyales.Bago nagsimula ang programa, nagkaroon muna blessing ng bagong ambulansya pagkatapos ay nagkaroon ng banal na misa na pinangunahan ni Fr. Angel Gamboa. Nagkaroon rin ng paggawad sa mga barangay health workers na pinagunahan ng BHW Chairwoman Madeth Alejandrino. At sa huling parte ng programa ay namahagi sila ng wheelchair sa mga pinagpalang Arayateno.

Narito ang pambungad na talumpati ni Mayor sa kanyang Ulat sa Bayan :

“Ang ulat ng bayan ay ang kwento ng bayan, saan naba ang bayan natin ngayon? Ang bayang walang kwenta ay bayang walang kwenta. Ang bayang hindi nagtuos, ang bayang hindi nagkwenta ay walang kwenta kaya magin magkwenta ang bayan natin narito ang ulat ng bayan natin. Iyon ang kwenta natin bilang mga lingcod bayan. At hindi rin lingid sa inyo na ang kwentang bayan ay hindi partihan ng pera ng bayan. Ito po ay kwenta kung ano ang nagawa natin. Hindi po katulad ng mga nauna na gusting bumalukaka ay hinanap nila ang kwenta ng perang pagpapartihan ng bayan, hindi poi yon. Katulad ng sinabi ng ating congressman, ang sukatan ng mabuting panunungkulan ay hindi kung sino ang nabigyan mo ng pera, kung sino ang natapik mo, kung sino ang nabigyan mo ng pansariling kapakanan,kundi ang mga nagawa natin sa ating mga pinaglilingkuran, iyon po ang tunay na lingkod bayan. Sa pamamagitan po ng tiwala ng mga mamamayan ng Arayat nabigyan ako dalawang pagkakataon. “

“Una ang SOMA ng nakaraang taon sadyang kay bilis ng oras at ngayon ay pangalawang karugtong ng po ng ating SOMA. Alam ko marami ang nainip at marami rin ang nainipan kaya ilalahad ko po sa inyo ang pagmamalaki dahil kayo ay nagtiwala at dahil ako ay hindi nagtaksil sa inyong hangarin sa ilalim ng aking pamumuno bilang punong bayan ay maisakatuparan ko ang serbisyo king Bayung Arayat. Sa bawat Arayatenos, meron po bang magsasabing ayaw niya muna? Meron po bang magsasabi sa akin? Magbago ang bayan ng Arayat, iyon po ang alam kong gustong mangyari. Sino po ba sa mga Arayateno na may tunay na pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan? Iyan po ay makikita sa gawa hindi lang sa salita.”

“Sino ba ang hindi matutuwa na ang alkalde ng kanilang bayan ay mahirang bilang isa sa sampung Most Outstanding Mayors sa buong Pilipinas? At ang nakuha nating parangal na ito ay hindi po binibili, hindi po hinihingi, nakukuha natin po ito kung ano ang nagawa natin sa panunungkulan natin. Kaya bilang lingkod bayan, ang kailangan makuha natin ay ang parangalin ang ating mga kababayan. Maikli ngunit napakahalaga ng buod ng SOMA ngayong umaga na bunga ng inyong tiwala, nabuo nang walang panlilinlang at kataksilan sa panunungkulan, nagbunga ng kaunlaran dahil sa inyong suporta sa ilalim ng “Ing Bayung Arayat” program, at patuloy na yayabong sa inyong walang humpay na hangarin at pagkakaisa sa mithiin ng kasalukuyang administrasyon ng Arayat.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s