“Special Education Class Para sa Mga Kabataang PWD ng Arayat”

IMG_5637 copy

by: Nikka Katrina Alejandrino

ARAYAT, PAMPANGA – Noong ika-01 ng Hunyo ay nilagdaan ni Hon. Mayor Emmanuel “Bon” Alejandrino ang budget na magbibigay pondo sa mga pangangailangan para sa pagsisimula ng kauna-unahang Special Education Class sa mga batang PWD o Person with Disabilities. Ang paaralan ng Anderson Elementary School ay nagpahiram ng isang classroom na pansamantalang gagamitin ng mga kabataan. Ang schedule ng klase ay mula:

Monday-Thursday
8:00 a.m – 10:00 a.m
10:00 a.m – 12:00 nn
2:00 p.m – 3:00 p.m
3:00 p.m – 4:00 p.m
4:00 p.m – 5:00 p.m
Friday 9:00 a.m – 4:00 p.m = Occupational Therapist (Sir Jonathan)
Saturday 8:00 a.m – 12:00 nn = Socialization Funday (PTA Meeting)

Ito’y sa pamumuno ni Ms. Arlene D. Valiente (Sec. KASAUP/SPED Chairman) at Ms. Cecille Espino (guro) Pumapaluob sa budget ang mga classroom materials na gagamitin ng mga guro at classroom improvement gaya ng pagpapapintura at paglalagay ng aircon upang maging maayos at kumportable ang mga bata. Kabilang sa mga kabataang PWD ang mga batang may Down Syndrome, Developmental Delay at Autism Spectrum Disorder. Ang programang ito ay pinangunahan ng PDAO at sa tulong ng mga magulang at ang kanilang organization na KASAUP INC. (Kabataang Special ang Una sa Puso, Inc.), Grace Supan (PWD Focal Person), Elisa G. Tandoc RSW (MSWO), Irene S. Maglanque (KASAUP, INC.) Vice Mayor Monching Changcoco at Mayor Bon Alejandrino na ang layunin ay mabigyan ng espesyal na atensyong pang edukasyon ang mga batang may espesyal na pangangailangan at upang mahimok ang mga magulang na huwag mawalan ng pag-asa kung may kapansanan ang mga anak nila kundi lalo silang himukin na matuklasan ng mga bata ang iba pa nilang talento. Dahil edukasyon ay isang personal na advocacy ni Mayor Bon, mahalagang bagay ito na maaring maipamana ng henerasyong ito sa mga kabataan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s