MS Kalusugan : Mga Sakit na Dulot ng Tag-ulan

Sick person with thermometer man with cold or flu clipart

by: Black Swan

Opisyal na ang pagpasok ng Rainy Season sa ating bansa kaya naman marami sa atin ang nangangamba sa posibleng sakit na dulot ng tag-ulan na nakakaapekto lalo na sa mga bata na nag-aaral ngayon.

LEPTOSPIROSIS

Karaniwang nakukuha ito sa paglalakad sa baha. Galing ito sa mga dumi ng hayop na nahahalo sa tubig baha. Kaya naman iwasan ang paglalakad sa baha lalo na kung may sugat na maaaring mabasa sa baha at agad linisin ang sugat na nababad sa baha.

DENGUE

Sanhi nito ang napabayaang gamit na pweding pag ipunan ng tubig sa gilid ng bahay. Dito naguumpisang mangitlog ang mga lamok na nagdadala ng Dengue. Ang sakit na ito ay hindi pangkaraniwan kaya naman doble ang pag-iingat sapagkat ito ay magastos at delikado.

MARUMING TUBIG

Mag-ingat din sa pag-inom ng tubig tuwing tag-ulan sapagkat nagkakaroon ng kontaminasyon ang tubig na magdudulot ng waterborne diseases kagaya ng diarrhea o pagtatae. Upang maiwasan ito pakuluan ang tubig upang maiwasan ang pagtatae.

UBO AT SIPON

Ito ay waterborne diseases, mga sakit na karaniwang dumadapo sa mga tao at hindi mawawala kapag tag-ulan. Karaniwang nakukuha ito kapag nabasa ng ulan at hindi agad nakapagpalit ng basang damit.
LIVE WIRE

Hindi ito sakit katulad ng mga nabanggit sa itaas ngunit pinag-iingat pa rin ang publiko sa mga posibleng aksidente dulot ng nagbabagsakan poste tuwing may bagyo.
Ayon sa Department of Health (DOH) kung may kakaibang nararamdaman sa iyong katawan agad na magpakunsulta sa malapit na health center sa inyong barangay upang agad na maaksyunan ito at maiwasan na ang paglala pa nito. Makakatulong din kung maging maagap ngayong tag-ulan, magtabi ng gamot tulad ng paracetamol at iba pa upang agad na makainom kapag may sakit. Dobleng pag-iingat ang gawin ngayon upang makasiguro ang kaligtasan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s