Gov. Lilia Pineda, Pinangunahan ang Pamamahagi ng Mahigit Kumulang na 10,000 na PhilHealth MDR

ARAYAT, PAMPANGA – Ika-03 ng Hunyo 2015, Miyerkules, naganap ang pamamahagi sa mahigit kumulang na sampung-libong (10,000) PhilHealth MDR (Member Data Record) sa hindi mahulugang karayom na Arayatenong, sampung barangay bawat lokasyon, dumalo sa Glorietta Covered Court Poblacion, Camba Covered Court at Telapayong Covered Court upang mabigyan ng PhilHealth MDR. Ito’y pinangunahan ni Gov. Lilia Pineda kasama sina 3rd District Board Member Rosve Henson, Mayor Bon Alejandrino, Vice Mayor Monching Changcoco, SB Ronald Alejandrino, SB Marlon Balagtas, SB Rodolfo Caguiat, mga barangay kapitan at iba pang mga lokal na opisyales ng bayan.

Ipinaliwanag rin ni Gov. Pineda ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng PhilHealth MDR at ang pagkakaroon rin ng lakas ng loob sa kanilang karapatan sa pangangailangang kalusugan nila at kung sakaling mayroong mga pasaway na doktor na ayaw silang bigyan ng gamot. Ayon nga kay Gov. Pineda, “Bawal yang pasaliwang panulu ing pasyente keng luwal, nung ating masyas a buntuk king karelang nurse o doktor palayasan taya king karelang ospital..” At sa mga buntis naman ay libreng panganganak dahil ayon kay Gov. Pineda, ito’y upang dumami ang mga magaganda at mga Kapampangan. Sinabi rin ni Gov. Pineda na kung may nagmamaltrato sa kanilang mga doktor at ayaw silang bigyan ng gamot ay isumbong lang sa kanya dahil iyon ang kanyang trabaho. Ang trabaho kung saan inuuna muna ang kapakanan ng mga mamamayan bago ang sarili at kung saan pinoprotektahan, inaalagaan, pinaglilingkuran at minamahal ang mga mamamayang sinasakupan.

DSC_0274 copy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s