Fortuny Restaurante

Hindi lang swerte kung bakit naitayo ang restawran na ito kundi rin ito’y dahil sa tamang timpla ng pagtitiyaga, sipag at pagmamahal sa trabaho upang malasap ang matagal ng minimithing pangarap ni Lina Parungao Fortuny, ang Fortuny Restaurante.

Matagal na niyang inaasam ang magkaroon ng restawran kaya naman noong nagkaroon ng pagkakataon ay hindi niya ito pinalampas. Noong inalok siya, binili niya ang lupa na may sukat na 450 square meters kung saan ngayon nakatayo ang restawran. Itinayo ito noong Enero 2015 at binuksan sa publiko noong Marso 2015 ang Fortuny Restaurante.

Kasama rin sa nangangasiwa ng restawran ay si Eleneta L. Pineda at ang kanilang cook na si Ramil Parungao na may sampung taong karanasan sa pagluluto sa Dubai. Pagpasok mo sa restawran ay makikita mo ang pagkanature-friendly ng disenyo dahil gawa sa mahogany tree, na nagmula sa kanilang taniman, ang mesa at upuan na dinisenyo naman ni Carlo Mariano kung saan mararamdaman mo ang pagkapresko, komportable at malinis ng kapaligiran kung ika’y kakain.

Pagdating sa pagkain ay sariwang-sariwa ang karne at gulay dahil araw-araw ay namamalengke ang may-ari. At tuwing mag-oorder ka ay mainit at bagong luto palagi ang pagkain dahil short order kung saan iluluto pa lang ang pagkain sa oras na ikaw ay mag-oorder para walang nasasayang na pagkain.

Ang mga binabalik-balikan o ang mga “bestseller” ng Fortuny ay ang Crispy Sisig, Crispy Dinakdak at Pancit Canton. Ang “specialty” naman nila ay ang Nitz’ La Paz Batchoy.

Sa mga natikman ko, ang pinakabestseller sa panlasa ko ay ang Crispy Dinakdak na may liempo at atay. Malutong na malutong ang liempo at makatas ang laman malalasahan mo ang linamnam na hindi nakakasuya at babalik-balikan mo.

Sa mga gustong magpadeliver ay kailangan hindi kukulang sa apat na daang piso ang kabuuang halaga ang iyong ioorder at dito lang sa Arayat. Narito ang ilan sa mga putahe: Crispy Sisig, Bianda, Beef Pares, Chicken Sandwich, Fresh Lumpia, Tapsilog, Longsilog, Hotsilog, Pancit Canton, Pancit Bihon, Pancit Palabok, Canton Bihon Mix, Mikki Bihon Mix, Nitz’ La Paz Batchoy. Pwede rin sa mga gusto kong magpacater, ang pagkain ay depende kung ano ang gusto ng nagpapacater, at pwede rin sa mgagustong magrent ng restawran para sa kasal, debut o kahit anong pagdiriwang.

Ang Fortuny Restaurante ay para sa lahat, magbarkada man, estudyante, mag-asawa at pamilya basta “food-lover” ka ay magugustuhan mo dahil maganda na ang inuupan mong restawran, masarap at affordable pa ang pagkain!

Ang pagbubukas ng restawran na ito ay magbukas rin sana ng maraming pintuan sap ag-angat tungo sa tagumpay ng Bagong Arayat.

DSC_0152 copy

2 thoughts on “Fortuny Restaurante

  1. saan naman ang location nito sa Arayat?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s